Advertisers

Advertisers

Duterte nagpatawag na ng special session sa Kamara para sa pagdinig sa 2021 nat’l budget

0 327

Advertisers

NAGPATAWAG na si Pangulong Rodrigo Duterte ng special session sa Kongreso sa Oktubre 13 hanggang Oktubre 16.
Ayon kay Presidential Harry Roque, ito ay para talakayin ang 2021 proposed national budget na naiipit sa Kamara matapos suspendihin ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang deliberasyon nito sa committee level.
Pahayag ni Roque, sa nasabing proklamasyon, sinertipikahan na rin urgent ni Pangulong Duterte ang 2021 proposed national budget bill.
Sinabi ni Roque na mahalagang maipasa at maisabatas ang proposed 2021 national budget dahil ito ang gagamitin laban sa COVID-19 pandemic.
“Pinagbibigay alam po natin sa sambayanang Pilipino na nagpatawag po ng special session si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa Kongreso. Ito po ay para sa October 13 hanggang October 16. Ito po ay para talakayin ang national budget, at sa kaparehong proclamation po ay cinertify as urgent ng ating Pangulo ang proposed 2021 budget. Ginawa po ito ni Presidente dahil importanteng maipasa, maisabatas ang proposed 2021 national budget dahil ito po ang gagamitin natin laban sa COVID-19 pandemic. Magandang gabi po sa inyong lahat,” ani Sec. Roque. (Vanz Fernandez)