Advertisers

Advertisers

3 tulak timbog sa Kyusi

0 212

Advertisers

NADAKIP ang tatlo katao nang mahulihan ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Culiat, Quezon City nitong Miyerkoles.

Kinilala ni Capt. Elmer Antonio hepe ng station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Quezon City Police Station 14 Holy Spirit ang mga dinakip na sina Lynnette Rolle, alyas Ayo, 43, dalaga, ng Purok 3, Luzon Avenue,Brgy. Culiat, QC; Andy Tuplano, 45, Lalamove driver, residente ng 409 Marine Road, Brgy. Holy Spirit, QC at, Najib Mangutara, 36, residente ng 30 Kasunduan St.,Brgy. Commonwealth, QC.

Nabatid kay Cpl. George Rimorin investigator nadakip ang mga suspek sa kahabaan ng Bayanihan Street, Purok 3, Luzon Avenue, Brgy. Culiat, QC 8:30 ng gabi Marso 8, 2023 (Miyerkules).



Ayon kay Rimorin nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng QCPD Station 14 Holy Spirit sa pamumuno ni PCapt. Elmer Antonio laban sa isang alyas “Ayo” (nakilalang si Lynnette Rolle) dahil umano sa pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.

Nakuha mula sa mga suspek ang may anim na piraso ng heat sealed small transparent plastic sachets na naglalaman ng ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P68,000.

Nahaharap angmga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Boy Celario)