Advertisers

Advertisers

Hidilyn vs Clarkson!

0 260

Advertisers

Hindi po magkalaban sa weighlifting competition sina Hidilyn Diaz at Jordan Clarkson sa category na 55 kg event.

Hindi rin po mag-one on one and dalawa sa basketball.

Magkatapat lang ang kanilang mga television commercial ngayon. Heavy kapwa ang placement sa mga pangunahing programa.



Magkatunggali ang mga inendorsong nilang produkto na parehong chocomalt powder at nakaposisyon na mga energy drink.

Ang Fil-Am na NBA player ang star sa Champion ng Energen tvc habang ang unang Pinoy na Olympic gold medalist naman ang bida sa patalastas ng MIlo ng Nestle.

Siyempre kapwa nila sinasabi na ang kanilang produkto ang nagbibogay sa kanila ng sapat na lakas na kailangan upang magtagumpay sa napiing larangan.

Marahil ang pares ang pinaka-ideal sa ngayon na maging brand ambassador ng mga nabanggit na marka.

Si Clarkson ay may iniindang injury ngayon sa daliri sa janang kamay bagama’t nag-commit na para sa Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup sa Agosto.



Si Diaz naman ay nasa gitna ng paghahanda para sa 2024 Paris Olympics kung saan inaasahan siyang muling magkamit ng gintong medalya.

Bukod sa sila ang pinakasikat ay may kredibilidad din sila sa mga Pilipino. May wholesome image o kaiga-igaya sila sa karamihan.

Talagang pinag-isipan ng mga kumpanya at ad agency nila ang kinuhang mga endorser.

Kayo na lang mamili kung anong tatak ang inyong pipillin. May the better product win.

***

Noong Miyerkules ay ika- 77 na kaarawan ni Robert S. Jaworski at Araw ng mga Kababaihan.

Ang pinakaimportanteng babae kay Jawo ay ang kanyang misis na si Evelyn Bautista na anak ni Ramon Revilla Sr.

Siyempre mahalaga rin sa kanya ang ina na si Iluminada Salazar at unica ihang si Ricci Elaine.

Bukod sa pagiging bida sa hardcourt ay gumanap siya sa mga espesyal na papel sa ilang pelikula ng biyenan sa ilalim ng Imus Productions.

Title role naman siya sa movie na Big J kung saan ka-bituin niya si Liza Lorena taong 1975.

Patuloy nating ipagdasal ang kalusugan ng Living Legend.