Advertisers
Financial assistance ng mga estudyante sa lungsod ng Pasay, kailangan ng voters ID ng magulang para ma-claim ang nasabing ayuda? Putsa ano ito?Paano ‘yung mga naninirahan lang sa Pasay at nag -aaral sa Pasay pero hindi naman botante ng Pasay?
Kupit na nila (dorobo) ‘yung ipinamamahaging financial assistance?
Ibang klaseng RAKETA ano po? Dahil sa datus ng iskuwelahan sila (LGU) kumukuha kung ilang estudyante ang bibigyan, tapos tatablahin lang pala pag hindi botante? Anong klaseng panggugulang ‘yan at pamumulitika sa mga residente at estudyante ng Pasay ito? Nakakahiya ang diskarte, halatang-halata at sadyang GARAPAL.
Pera ng gobyerno para sa mga estudyante,nagagawan pa ng paraan ng mga gutom na buwaya.
Marami ng naging reklamo ang ilang residente pag dating sa usaping ito.
May mga nag- apply na nasa secondary pa lang matapos makumpleto ang mga requirements eh wala na ding natanggap. Paulit-ulit ang bigay ng requirements ng mga estudyante pero patapos na sa secondary level bago natanggap ng kaawa- awang mag-aaral.
Same lang din ng mga nag- apply sa kolehiyo,pa- graduate na nang makatanggap ang iba. Maganda pakinggan pero kasuka -suka ang sistema sa pamamahagi. Lumalabas tuloy sa ibang magulang “selective financial assistance” ito.
Halos ayaw Ng Ibigay sa naising nakawin kapag bumigay o mainip sa tagal ang mga nag aaplay.
Sa dami ba naman ng kukumpletuhing requirements,mawawalan ka talaga ng gana at pag- asa.
Pero wag Ka,ito talaga Ang gustong mangyari ng mga dorobo dahil nga nasa listahan na ang mga mag- aplay.
Kapag nga nainip na at di na sumipot,ang mga dorobo na ang “do-doktor” sa iba pang requirements at presto,Ang mga dorobo na rin ang mag-claim.
Mistulang sindikato talaga ang galawan!
Hayop sa dilang hayop considering na mga taong gobyerno ang direktang nagnanakaw ng pondo intended para sa isang makabuluhang layon.
Ang dahilan ng mga ito ay dahil na-biktima na ang lokal na pamahalaan ng mga budol-budol. May mga nagke-claim na hindi naman talaga nila anak ang ikinukuha nila kaya pag dating ng mga tunay na magulang ng mga estudyante, nagugulat ang siyudad na may nag claim na pala.
Ang pinupunto naman ng ibang nagrereklamo, bakit kailangan pa ng voters ID or certificate of registration mula sa Comelec pa ang kailangan? Paano silang mga nagtatrabaho at residente ng Pasay na nag- aaral ang mga anak pero hindi botante?
Ayon sa ilang nakausap natin, ang financial assistance mula sa siyudad ay para lamang sa mga estudyante na botante ang magulang? Ganun?
Malaking katarantaduhan.Hindi ba para sa estudyante ang financial assistance at hindi para lamang sa mga botanteng magulang?
Hindi ba mula pa rin sa national goverment ang pondong ginagamit ng mga lokal na pamahalaan para sa mga financial assistance or in kind na binibigay ng ilang lokal na pamahalaan para sa mga mag-aaral?
At higit sa lahat, bilang ng estudyante ang pinopondohan at hindi botante? Saan mapupunta ang mga naibilang na estudyante na hindi botante ang magulang?
Isasauli ba sa national government o mapupunta sa mga dorobo sa city hall?
Ito ‘yung mga tanong na hinahanapan ng maliwanag na kasagutan ng mga taga-Pasay.
Wala namang malapit na ilog sa Pasay.
Ang alam natin dagat meron, dyan sa Manila Bay pero puwede na palang mabuhay sa tubig- alat ang sangkaterbang BUWAYA na nakapasok na sa Pasay City Hall!
Hehehe…
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com