Advertisers

Advertisers

BAYANI KA ng MPT South nakatanggap ng Anvil Award

0 189

Advertisers

Pasay, City – Naiuwi ng Metro Pacific Tollways South (MPT South) ang isa na namang Anvil Award sa apat na magkakasunod na taon para kanilang adbokasiya sa pagpapalaganap ng Road Safety sa programa nitong Bayani Ka o Bayani ng Kalsada.

Sa katatapos lamang na 58th Anvil Awards Gabi ng Parangal na ginanap sa Newport City, Pasay noong Miyerkules, March 8, kinilala ng Public Relations Society of the Philippines (PRSP) ang Bayani Ka o Bayani ng Kalsada Activity Book bilang isa sa pinakanamumukod-tanging Public Relations (PR) Program sa kategoryang PR Tools: Publication, na naglalayong ituro sa kabataan ang kaalaman patungkol sa road safety o kaligatasan sa daan, at pagpapababa ng bilang ng mga lumalabag sa Limited Access Facility Act o R.A. 2000 sa mga expressway ng MPT South – ang Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), CAVITEX-C5 Link Segment, at sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX).

Pinakilala ng Bayani Ka Activity Book ng MPT South ang bidang karakter nito na si “Cavi”. Sa tulong ni Cavi, magkakaroon ng dagdag kaalaman ang mga mambabasa lalo na ang mga kabataan at mga magulang patungkol sa pagobserba ng kaligtasan sa daan.



Mayroon ding mga activity pages ang nasabing libro gaya ng mga quizzes, coloring pages, word searches, at iba pang gawain na makakatulong sa paghasa ng developmental skills ng kabataan. Sa kasalukyan, nakapagimprenta ng 2,500 kopya ng Bayani Ka Activity Book ang MPT South at aabot na sa 740 na kopya ang naibigay sa mga komunidad nito sa Metro Manila (Paranaque, Pasay, at Taguig), Cavite (Kawit, Silang, Bacoor), at Laguna (Santa Rosa and Binan). Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng MPT South sa mga iba’t ibang children’s centers at mga pampublikong library para maipalaganap pa ang nasabing activity book.

“Children ages 5 to 12 years old are one of the more vulnerable segments in the topic of roadway safety so we develop the Bayani Ka activity book to emphasize their group. It is an honor to take home another award from the country’s most prestigious award-giving body for us Public Relations practitioners. This inspires us to continue and to produce more compelling campaigns to address social and safety issues in our expressway,” ani Ms. Arlette Capistrano, Vice President for Communication and Stakeholder Management Division ng MPT South.

Sa mga nakalipas na taon, naiuwi na ng MPT South ang mga sumusunod na Anvil Awards para sa iba’t iba nitong PR Programs: Silver Anvil para sa Drayberks Program (2019), isang social advocacy na nagtataguyod ng road safety sa mga drayber; Silver Anvil for Sights of South Corporate Calendar (2020), na nagsusulong sa turismo sa toll road network ng MPT South; Silver Anvil para sa CALAX Silang East Interchange Opening PR Campaign (2021); at sa taong 2022, ang Silver Anvil para sa Bayani Ka Activity Book.

Ang Anvil Awards na tinagurian ding Oscars of Public Relations ay taunang iginagawad ng PRSP bilang patunay ng kahusayan ng iba’t ibang PR programs sa bansa. Para sa 2022, mula sa 400 programa na nagmula sa aabot na 800 na kalahok mula sa pribadong sector at gobyerno, mga eskwelahan at iba’t ibang industriya at mga kumpanya, isa ang MPT South sa nakasungkit ng prestihiyosong tropeyo.

Ang MPT South ay subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ngMetro Pacific Investments Corporation (MPIC). Maliban sa CAVITEX at CALAX, hawak din ng MPTC ang concession rights ng North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">