Advertisers

Advertisers

Banta ng DOTr: Pasaway sa tigil-pasada kakasuhan, ipakukulong

0 174

Advertisers

KAKASUHAN at ipabibilanggo ang mga welgista na magpapasaway at mamemerwisyo sa kanilang mga kasamahang hindi sasama sa ilalargang isang linggong tigil-pasada simula ngayong Lunes.

Sa isang weekend forum, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, kailangan pairalin ang disiplina sa hanay ng mga welgista at huwag pilitin ang ibang tsuper na ayaw sumama sa welga.

Kapag, aniya, mayroong nahuli na gagamit ng pako, bato at maghahagis ng “wiwi” sa mga bibiyaheng jeep ay aasuntuhin at ipakukulong.



Magpapakalat, aniya, ang ahensiya ng maraming pulis sa mga lugar na natukoy kungsaan magiging aktibo ang mga welgista upang masigurong walang magaganap na karahasan.

Bukod sa mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ay tutulong din ang Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matiyak ang kaayusan sa transport strike.

Sinabi ng kalihim na patuloy silang mananawagan sa lider ng mga grupong tutol sa Public Utility Vehicle Modernization Program na makipagdayalogo upang maintindihan ang programa at maipaliwanag kung paano ipapatupad ang modernisasyon sa kanilang sektor.