Advertisers
NAPADPAD ang isang sasakyan sa gitna ng riles ng train ng Philippine National Railways (PNR) sa Pandacan, Manila nitong Linggo ng madaling araw nang iligaw ng navigation app na waze.
Nasa maayos na kondisyon naman ang driver at isang pasahero nito.
Sa ulat ng Pandacan Police, base sa pahayag ng mga biktima mula sa Maynila ay itinuturo sila ng waze patungong Pandacan papuntang Makati.
Naituro sila ng waze sa riles ng tren na kanila namang sinundan na hindi naman dapat doon ang kanilang daan.
Ayon pa kay Pandacan Police Station 10 director, Captain Michael Locsin, muntik nang mahulog sa ilog ang sasakyan pero ligtas naman ang mga sakay nito habang nakahang sa riles ng tren.
Tumulong naman ang Metro Manila Development Authority (MMDA) upang maalis ang sasakyan sa riles ng tren habang ang mga sakay nito ay inimbitahan ng Manila Traffic Enforcement Unit (MTEU) para sa karagdagang imbestigasyon.(Jocelyn Domenden)