Advertisers
KULONG ang isang magsasaka na nambugbog at nangmolestiya sa 83-anyos na lola na kapitbahay sa Casala, San Mariano, Isabela.
Kinilala ang suspek na si Vic Aggabao, nasa tamang edad, at residente sa naturang lugar; habang ang biktima ayitinago sa pangalang “Lola Rowena”.
Ayon kay Major Edgar Manuel, hepe ng San Mariano Police Station, may natanggap silang tawag mula kay Barangay Kapitan Gilbert Tappa ng Casala para i-report ang pananakit sa biktima.
Sa ulat, 1:00 ng madaling araw nagising ang lola nang maramdaman na may humawak sa kanyang katawan.
Nakita niya ang suspek na kanilang kapitbahay at bigla siyang sinakal kaya kinagat niya ang kamay nito.
Kinaladkad ng salarin ang matanda at iniuntog ang ulo sa dingding ng bahay at pinagsusuntok sa mukha.
Nang manghina ang lola ipinasok umano ng salarin ang kanyang daliri sa maselang bahagi ng katawan ng matanda.
Napag-alaman na tanging kasama ng lola sa kanyang bahay ang anak na may kapansanan sa pag-iisip na nakakulong sa loob ng bahay dahil nananakit kapag nakakawala.
Lumabas sa medical examination ng San Mariano Community Hospital na positibo sa alcolohic breath test ang ssalarin.
Depensa ng salarin, nablangko siya dahil sa kalasingan at para umano siyang nasasaniban nang gawin ang pananakit sa biktima.(Rey Velasco)