Advertisers

Advertisers

Pulis habambuhay kulong sa kasong rape

0 214

Advertisers

HINATULAN ng habambuhay na pagkabilanggo ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang isang pulis na humalay sa 17- anyos na dalaga nitong nakalipas na taon.

Sa ipinalabas na desisyon ni QC RTC Branch 229 Judge Maria Gilda Loja-Pangilinan, napatunayan niyang “guilty” ng walang pag-aalinlangan sa kasong rape si Chief M/Sgt. Galahad Altarejos kaugnay ng ginawang paglabag sa RA 8353, Anti Rape Law.

Sa desisyon ni Judge Pangilinan na may petsang February 6, 2023, binigyan niya ng bigat ang testimonya ng biktima na noo’y 17- anyos nang maganap ang panghahalay noong January 2022.



Binigyang diin ng hukom na pinatunayan ng prosekusyon na may naganap na paghalay sa biktima dahil wala itong pahintulot na gawin ang sexual advances ni Altarejos.

Si Altarejos, dating miyembro ng Quezon City Police District (QPCD) Crime Laboratory, ay dumalaw sa bahay ng biktima at tiyahin nito. Hinalay ng pulis ang biktima sa loob ng kuwarto nito habang wala sa kanilang bahay ang tiyahin ng dalagita.