Advertisers

Advertisers

Bus operators na may dagdag-bayad sa beep cards parurusahan – DOTR

0 243

Advertisers

NAGBABALA ang Department of Transportation (DOTr) sa mga bus operator na papatawan ng parusa kapag nagdagdag ng bayarin sa Beep cards.
Pahayag ito ni DOTr Consultant Alberto Suansing matapos ipag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng libreng beep cards sa mga parokyano sa EDSA Busway simula bukas, Oktubre 9.
Binigyang diin ng LTFRB na ang magiging gastos lamang dapat ng pasahero ay load mismo sa Beep card na hindi na rin dapat maglaman ng maintaining balance.
Una nang ipinag-utos mismo ng Pangulong Rodrigo Duterte na dapat maibigay ng libre sa commuters ang Beep cards.