Advertisers

Advertisers

Airborne transmission wala pang matibay na ebidensya – DOH

0 229

Advertisers

DAPAT manatili ang pag-iingat ng publiko at sundin ang health standards hangga’t wala pang matibay na ebidensya sa mga pag-aaral ng airborne transmission ng Covid-19.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) kaugnay sa ulat na umano’y posibleng pagkalat ng virus sa pamamagitan ng hangin.
Una na rin sinabi ng DOH Technical Advisory group na itinuturing nang airborne ang virus sa gitna ng mga pamamaraang medikal sa mga ospital.
Ngunit mas tiyak na pag-aaral ang kinakailangan upang masabi na ito rin ang kaso para sa mga non-health care settings.
Mainam pa rin umanong mag-ingat at sumunod sa minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at face shiled na ayon sa pag-aaral ay malaki ang tiyansa na makaiwas sa peligro laban sa Covid-19.
Ayon naman sa artikulo na inilabas ng US CDC, sinasabing posible ang airborne transmission ng SARS-CoV-2 sa ilalim ng “special circumstances. (Jocelyn Domenden)