Advertisers
Ni JOVI LLOZA
PAREHONG gusto ng couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang beach wedding.
Sa edad na 30 naman daw target ng KathNiel na mag-isang dibdib.
Sa kabilang banda, kung dati nga raw ang mga mudra ng KathNiel ang may obligasyon ngayon ay ang magkasintahan na ang nagbabayad ng kanilang bills.
Na sa pagdating ng panahon kapag naikasal na ang sila ay obligasyon na rin nila ang magbayad ng bills na dating sina Karla at Mommy Min ang gumagawa.
Inamin din ni Daniel na handa na nga raw si Kathyn na maging esmi.
At isa pa ngang pag-amin ni Daniel ay itong gusto nitong magkaanaksa edad o bago siya mag-30.
Mas okey nga raw ‘yun na ready siya makipagsabayan sa energy ng magiging anak kaysa naman matanda na ito mag-aanak.
Natuwa ang netizens at kanilang followers sa pagpaplano ng KathNiel sa pagbuo nila ng sariling family.
***
NAGING trending sa social media ang bagong aura ng singer na si Janine Berdin na Grand Champion sa Tawag Ng Tanghalan Season 2.
Tampulan ng tukso ang post na pics nito na naka-purple blond ang hair.
Sa sideview ng pics nito ay maraming netizens ang nakapansin na tila may naiba o may pagbabago sa face ng singer.
Kay may mga basher na ginawang pulutan ang pagbabagong anyo ni Janine na napuna na nagparetoke ito.
May followers naman ito na ipinagtanggol ang TNT Grand Champ na nagsasabi na wala na nga raw pakialam ang iba diyan kung may nabago man o naiba sa aura ng isang artista.
Mapera sila at kailangan bilang celebrity na maging guwapo at maganda at ano nga raw ang pakialam ng iba riyan.
Habang usap-usapan ang make-over ni Jenine nanatiling tikom ang singer sa isyung retoke.
Well, well, well…’Yun na!