Advertisers

Advertisers

Alden inamin, may nami-miss nang todo

0 257

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SI Alden Richards ang itinuturing na pinaka- in demand na actor ng kanyang henerasyon.

Sa kabila ng pandemya, humahataw pa rin siya hindi lang sa commercials, endorsements, TV projects at soon sa isang concert.



Suwerte nga siyang maituturing dahil sa panahong salat ang trabaho at raket sa showbiz, patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag.

Sa panahon ng community quarantine, marami na siyang nagawang commercials, documentary special, at teleserye.

Naghahanda na rin ang bedimpled actor sa isang malaking event para sa kanyang mga faney sa pagdiriwang ng kanyang ika-sampung anibersaryo sa showbiz.

Itinaon niya ito sa December 8, ang araw ng Immaculate Concepcion dahil espesyal ang araw na ito sa kanya.

Kilala kasi si Alden na close sa kanyang ina na namayapa noon sa cancer.



Dagdag pa nito, pagpapasalamat na rin daw niya ito kay Mama Mary dahil palagi siyang bine-bless at ginagabayan hindi lang sa kanyang karera kundi pati sa kanyang negosyo.

Samantala, sa isang panayam naman ay natanong ang actor kung ano ang balak niya sa susunod na limang taon by the time na tapos na ang pandemya.

Aniya, baka by that time raw ay nahanap na niya ang kanyang makakatuwang sa buhay dahil hindi na rin daw siya bumabata lalo pa’t nasa goal din niya ang mag-asawa.

“Probably a family,” pagbabahagi niya. “I can give up being a celebrity, but I will not give up acting. Those are two different factors for me kasi. Being an actor for me, you get a peek of different lives of people everyday. In the roles that I make, I always make sure that I learned something new from them and contribute it to my personality doon sa totoong ako,” dugtong niya.

Sa kabila ng katanyagan at kaabalahan, nai-share rin niya ang mga bagay na kanyang nami-miss.

Aniya,  sobrang nami-miss niya ang oras niya sa sarili at sa pamilya.

“When we were young, we had less responsibilities at wala kang masyadong iniisip.Mag-aaral ka lang at papasok sa school, then maglalaro ka lang at makikipagkulitan sa barkada mo.“‘Yun ang nakaka-miss at masarap balikan,” pahabol niya.

Si Alden ay tampok sa Kapuso drama anthology na “I Can See You” kapareha si Jasmine Curtis-Smith.