Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NAGING panauhin ang Martyr o Murderer star na si Ruffa Gutierrez sa vlog ng pamosong dermatologist na si Dra. Vicki Belo.
Kinuha ni Dra. Vicki ang reaksyon ng aktres tungkol umano sa bff nito na dini-date na ngayon ng kanyang ex na si Jordan Mouyal.
Aniya, noong una raw ay nagulat siya dahil hindi niya ini-expect na mapupunta sa close friend niya ang former boyfriend.
“I just didn’t know na sasaluhin siya nung isa sa mga close friends ko,” ani Ruffa.
Inamin din niya na nakaramdam siya ng galit noong una nang madiskubre niya ito.
“In the beginning, siyempre, galit ka kasi kaibigan mo,” sey ni Ruffa.
Gayunpaman, pagkatapos daw na ma-unleash niya ang kanyang pagiging Annabelle Rama, na-realize rin naman niyang hindi niya dapat sisihin ang sinuman sa nangyari.
Sa nasabing episode, inurot din siya ni Dra. Vicki tungkol sa bagong boyfriend niya.
Tinanong siya kung nagsisimula raw ba sa letter “H” ang pangalan nito tulad ng esposo niyang si Hayden Kho.
Hindi naman ito idinenay o kinumpirma ng actress.
Ani Ruffa, nasa punto na raw siya ng buhay niya na gusto na niyang maging pribado lang ang kanyang lovelife.
Marami na raw kasi siyang naging leksyon sa buhay mula nang magkaanak siya at may iba’t ibang nakarelasyon.
Pero natsika nang si Herbert Bautista raw ang nag-udyok kay Ruffa na tapusin ang pag-aaral kaya ‘yun na.
Samantala, careful na rin daw si Ruffa sa kanyang mga desisyon ngayon lalo pa’t may mga anak siyang nilo-look up siya bilang inspirasyon.
Sey pa niya, ang idini-date raw niya ngayon ay ang taong nag-inspire sa kanya upang mag-aral muli.
“The person that I’m dating right now inspires me to be a better person. Hindi ako nakapagtapos ng college kundi dahil sa kanya,” hirit niya.
Sa ngayon ay kumukuha si Ruffa ng Master’s degree pagkatapos niyang grumadweyt ng Communication Arts sa Philippine Women’s University.
Si Ruffa ay mapapanood na sa “Martyr or Murderer” na ginagampanan niya ang papel ng dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.
Sa kontrobersyal na pelikula na palabas na sa Marso 1, kabituin din sina Cesar Montano, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Isko Moreno, Marco Gumabao, Cindy Miranda, Jerome Ponce, Sachzna Laparan, Kyle Velino, Rose Van Ginkel, Elizabeth Oropeza, Beverly Salviejo at marami pang iba.