Megan umiyak nang sabihan ng mister na si Mikael na hihiwalayan; Heart milyones pa rin ang suot sa panahon ng pandemya
Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
IBINAHAGI ni Kris Aquino sa social media pagsasailalim nila sa Covid-19 swab test kasama ang kanyang team.
Sa Facebook post ni Kris, sinabi nito na last Monday ay nag-negative naman ang swab test nila ni Bimby pero apat umano sa kanyang team members ay nagpositibo.
Tatlong linggo raw silang nag-quarantine ni Bimby. Hindi man sabihin ni Kris ay alam ko kung ano ang pakiramdam ng mga tao na dumadaan sa ganoong sitwasyon.
“I`ve been blessed w/ a loyal & dedicated TEAM we went through a difficult time from mid-August to early September when Covid-19 became REAL for us – kuya Josh was in Tarlac, Bimb & I were spared BUT 4 tested positive. 1 of them needed 2 months to fully recover,” say ni Kris.
Ang natutunan daw ni Kris sa Covid-19 pandemic ay kahit gaano ka kaingat ay hindi ka pa rin ligtas sa pagkakasakit at aksidente.
“I should take care of my family and those who take care of us,” aniya.
Kaya naman may pa-give aways si Kris na 50 ER Care Card na may P100,000 coverage kabilang ang Covid-19.
“I have 50 @insularhealthcareph. ER Care cards with coverage up to P100,000 including for Covid-19…kailangan natin alagaan ang isa`t isa and I feel blessed to be able to SHARE this with you, please LIKE this post & tell me why you or someone you LOVE will benefit from this ER Care card,” say pa ni Kris.
***
SA Instagram page ni Heart Evangelista makikita ang wardrobe, jewelry, swimsuit, make-up brand, gowns, bags at anything na kanyang sinusuot.
Marami ang nakapansin sa imported na damit ng kanyang suot na siguradong mahal ang presyo.
May post na damit gawa ng Filipina designer na si Charina Sarte worth P17,000. May gown din siyang suot na gawa ng local designer na si Mark Bumgarner worth P14,800.
Pero ang suot ni Heart na ikinagulat ng karamihan ay ang Floral Sequined Gown na gawa pa rin ng local designer na si Darly Maat na worth P50,000 at ang Peach Bubble Dress worth P10,000.
May suot din siyang jumpsuit na handwoven and band headed ng Tboli tribe of Mindanao, na ang presyo ay mula P18,000 to P25,000. Hindi lang malinaw kung ang suot na Amethyst Earring worth P94, 800 ay para sa kanyang pictorial.
At ang pinakabonggang suot ni Heart na nasa IG page niya ay Van Cleefarfels lady Arpels Pont des Amoureux Jour Watch, Rose Gold Diamond with Interchangeable Bracelets na worth ($119, 000) at ang presyo ngayon ay $127,000 na kung iko-convert sa pera natin ay aabot sa P6,472,419.11.
Hindi lang malinaw sa IG page ni Heart ay kung ang mga sinuot niya ay kanyang binili o yung iba ay kanya lang pinu-promote. Maaari rin na for pictorial purposes lang ang iba.
Warning lang sa actress na huwag niyang isusuot ang million worth watch niya kapag pupunta sa Edsa.
Di ba kamakailan lang ay nabiktima ng snatcher si Vina Morales na nahablot ang kanyang mamahaling cellphone.
***
SA sobrang pagmamahal ni Megan Young sa husband na si Mikael Daez ay hindi raw nito kakayanin na magkahiwalay sila.
Natawa si Mikael nang i-post niya sa kanilang Instagram ni Megan ang nangyari sa kanilang brainstorming session para sa susunod na podcast Nag-isip kasi sila ng juicy topics at nang sabihin ni Mikael na, “paano kung maghiwalay tayo?” Bigla na lang umiyak si Megan na ikinagulat ni Mikael at nagtanong kung bakit ito umiyak?
“Kasi naman pinag-uusapan natin topics sa podcast bigla mong sinabi na maghihiwalay tayo?” ani Megan.
“So, hindi natin gagawing topics?” tanong ni Mikael na sinagot naman ni Megan ng, “Oh, my God!”
Nine years ang naging relasyon nina Megan at Mikael bago sila nagdesisyong magpakasal para magsama na sa iisang bubong.
Bago lang sila nagsasama kaya siguro hindi makakayanan ni Megan na maghihiwalay na sila ni Mikael. Hindi naman kaya magkaroon sila ng problema kapag nasimula nang magtrabaho ni Mikael na siguradong matagal-tagal din silang hindi magkikita dahil nakahanda na ang lock-in taping ng cast ng Love of My Life ng GMA Network ngayong buwan na binubuo nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez at Ms. Coney Reyes.