Advertisers

Advertisers

Lady Grab driver hinampas sa ulo ang Police Captain

1 729

Advertisers

NAHAHARAP sa maraming kaso ang lady grab driver nang hampasin sa ulo ang isang pulis sa Taguig City.
Kinilala ang lady grab driver na si Mary Florence Norial, 26-anyos; at ang biktima ay kinilalang si Police Captain Ronald D. Saquilayan, 51.
Ayon kay Saquilayan, pansamantala siyang nag-park sa driveway upang sunduin ang anak na papalabas sa isang coffee shop sa Cayetano Boulevard, Barangay Ususan, Taguig nang pagsisigawan siya ng babaeng sakay ng kulay blue Hyundai Accent dahil sa hindi niya agad pag-abante.
Lumabas ang babaeng driver ng sasakyan at kinatok ang kotse ni Saquilayan at kinompronta siya.
Sa ulat, bumaba naman si Saquilayan ng kotse at isinumbong sa security guard ang ginawa ng babae saka bumalik sa sasakyan.
At nang papasok na si Saquilayan sa kaniyang kotse, itinulak umano ng babaeng Grab driver ang pintuan ng sasakyan kaya hindi ito nakapasok ng kotse at hinampas pa nito ang ulo ng pulis.
Dahil dito, ang biktimang pulis na mismo ang umaresto sa babaeng Grab driver na nagwawala at nagpupumiglas pa at dinala nito sa Taguig City Police.
Kabilang sa reklamong kakaharapin ni Norial ang Alarm Scandal, Direct Assault at paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o Resistance and Disobedience to a person in authority. (Gaynor Bonilla)