Advertisers

Advertisers

FDCP chair Liza, inanunsiyo ang kaganapan sa PPP 4

0 322

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

HINDI mapipigilan ng pandemic ang pagbubukas ng Pista ng Pelikulang Pilipino-4 o PPP4 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

‘Sama all’ ang bagong tag-line nito at higit 100 na pelikula ang ipalalabas dito na magkakaroon ng kauna-unahang online edisyon ngayong taon mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15 sa bagong FDCP Online Channel.



Ang PPP4 ay isang omnibus project na pinangungunahan ng FDCP. Tampok dito ang mga pelikula mula sa mga lokal na film festival tulad ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, QCinema International Film Festival, Cinema One Originals Film Festival, Sinag Maynila Film Festival, CineFilipino Film Festival, ToFarm Film Festival, at Metro Manila Film Festival pati na rin mula sa iba’t ibang producer at regional film festival, ang PPP Retrospective, ang Lab portion ng Sine Kabataan Short Film Competition, at ang CineMarya Women’s Film Festival.

“This year’s PPP is a solidarity event that aims to encourage support for Philippine Cinema in light of the devastating effects of the COVID-19 pandemic. It aims to propagate the love for Filipino films among audiences and help sustain the country’s film industry that is gravely affected by the COVID-19 crisis. The FDCP is glad to announce that all proceeds will be given to producers involved in the festival through revenue sharing,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.

Ang mga section ng PPP4 ay ang Premium, Classics, PH Oscars Entries, Tributes, Romance, Youth and Family, Genre, Bahaghari, PPP Retro, Documentary, at From the Regions, kasama ang Sine Kabataan at CineMarya. Nagbigay ng bahagyang listahan ang FDCP noong inilabas nito ang PPP Early Bird Rate Festival Pass noong Setyembre 30.

Ang mga pelikula sa Premium section ay nagkaroon lamang ng limited release o hindi pa napalalabas sa Pilipinas.

Ang Premium Showcase lineup, kasama ang regional short films at iba pang karagdagang pelikula, ay ilalabas ng FDCP sa Oktubre 8 sa isang press conference.



Mga obra ng mga National Artist for Film ang kasama sa Classics section, at ang unang tatlong pelikula ay restored films ng Philippine Film Archive ng FDCP: White Slavery ni Lino Brocka, Genghis Khan ni Manuel Conde, Manila by Night ni Ishmael Bernal, Balikbayan #1: Memories of Overdevelopment Redux VI ni Kidlat Tahimik, Ang Panday ni Fernando Poe, Jr.

Ang critically acclaimed films na ipinasa ng Pilipinas para sa Academy Awards Best Foreign Language Film ang kabilang sa PH Oscars Entries: Ma’ Rosa ni Brillante Mendoza, Verdict ni Raymund Ribay Gutierrez, Sa Pusod ng Dagat ni Marilou Diaz-Abaya, Saranggola ni Gil Portes.

Ang Tributes section ay pagbibigay-pugay sa mga yumaong screen legends at haligi ng industriya: Death Row ni Joel Lamangan (para kay Eddie Garcia), Adela ni Adolfo Alix, Jr. (para kay Anita Linda), Insiang ni Lino Brocka (para kay Mona Lisa), Muro-Ami ni Marilou Diaz-Abaya (para kay Marilou Diaz-Abaya), Filipinas ni Joel Lamangan (para kay Armida Siguion-Reyna), Sonata nina Peque Gallaga at Lore Reyes (para kay Peque Gallaga).

Ang iba pang sections ay ang Romance, Youth and Family, Genre, Bahaghari, Retro, Documentary, From The Region, at Sine Kabataan.

May festival subscription options ang PPP4 gaya ng Full Run Pass (PHP 599) na magbibigay ng 16-day access sa Premium Selection films at events, free content, free panel sessions/workshops, calendar, at trailers. Ang Half Run Pass (PHP 299) ay magbibigay ng access sa short films library at full-length scheduled screenings para sa walong magkakasunod na araw habang ang Day Pass (PHP 99) ay magbibigay ng access sa short films library at full-length scheduled screenings para sa isang araw.

Ang Early Bird Rate para sa Full Run Pass, na may halagang PHP 450, ay mabibili hanggang Oktubre 15 lamang. Mayroon ding Free Pass na nagbibigay ng access sa calendar at free content. Simula Oktubre 16, magkakaroon ang senior citizens at persons with disabilities (PWDs) ng 20% discount habang ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng 30% discount.