Advertisers

Advertisers

Baterya ng motorsiklo, gamit sa pag-charge ng celfone ng ilang estudyante

0 256

Advertisers

MISTULANG malaking ‘battery pack’ ang baterya ng motorsiklo ng ilang estudyante sa Lake Sebu, South Cotabato dahil ito ang gamit nilang pang-charge sa cellphone na ginagamit sa online class.
Sinabi ni Jemar Balsomo, madalas mawalan ng kuryente sa kanilang lugar lalo kapag umuulan.
Kaya sa baterya ng motorsiklo nalang sila umaasa para mai-charge cellphone upang makadalo ang mga estudyante sa kanilang online class.
Pero salitan daw ang pagtsa-charge na ginagawa para makagamit ang lahat.
Samantala, ginagawa namang phone stand o holder ng cellphone ang mga nakokolektang plastic bottle na nagagamit ng mga estudyante sa Moncada, Tarlac.
Ang mga plastic bottle, kinolekta ng mga kabataan sa lugar at pinapalitan ng earphone na magagamit din sa kanilang pag-aaral.