Advertisers

Advertisers

MANABAT ANG BAGONG COACH NG CEU SCORPIONS

Sa Collegiate at PBA D-League ...

0 269

Advertisers

NINOMBRAHAN kamakalawa ng Centro Escolar University si Chico Manabat bilang kanilang bagong Men’s Basketball Head Coach na humalili kay Jeff Napa na kauupo lamang noong Enero.
Mula sa pagiging pangunahing assistant coach, si Coach Manabat na ang gagabay sa Scorpions oras na bumalik ang varsity at amateur sports.
Nahaharap sa malaking hamon si Coach Manabat na ipagpatuloy ang kanilang tinatamasang tagumpay sa nakaraang isang dekada na kanyang idinetalye nang mag-guest ito kahapon sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports on Air kahapon.
Palalawigin nito ang programa ng CEU upang maghakot ng mga kampeonato sa maraming liga at umani ng paggalang mula sa mga mas malalaking paaralan.
Kailangan din magpalakas muli ng Scorpions sa kabila ng paglipat ng kanilang higanteng sentrong si Malik Diouf sa University of the Philippines at ang pangkat nina Rich Guinitaran, Kobe Caballero, CJ Pamaran, Christian Uri, Joshua Abastillas at John Cayno Carandang sa Arellano University. Ilan sa mga aasahan ni Coach Manabat ang mga naiwang sina Franz Diaz, Jerome Santos, Kurt Sunga at Dave Bernabe at ilang mga baguhan mula sa kanilang reserba na handa magpakilala.
“CEU always welcome opportunities to develop, not just players but even coaches. We have faith in coach Chico’s talent,” ayon sa CEU management sa isang official statement.
Sa maiksing panahon ni Coach Napa sa CEU, nakapaglaro sila sa Pilippine Collegiate Champions League (PCCL), Men’s National Collegiate Athletic Association (MNCAA) at PBA D-League bago tinigil ang mga ito sa gitna ng krisis sa kalusuga.
Naghahanda rin ang Scorpions para sa depensa sana ng kanilang korona sa National Capital Region Athletic Association (NCRAA) at pagsabak muli sa Universities and Colleges Basketball League (UCBL).
Si Coach Manabat ay naglaro para sa National University sa UAAP at nakapasok siya sa Philippine Basketball League (PBL) para sa John O at LBC Batangas. Bilang coach, nagtrabaho siya sa NU at sa San Juan de Letran kasama si Coach Napa bago sila lumipat sa CEU.(Danny Simon)