Advertisers
SUSULONG na ang nakatakdang 1st Mindanao Inter-Regional Online Chess Team Championship sa Oct. 24-25, 2020.
Anim na chess teams mula southern island ng bansa ang magtutunggali sa buwenamanong sulungan para sa tumataginting na P100k kabuuang premyo.
Bahagi ng prize fund ng ‘event for a cause’ ay ilalaan para sa mga dating Chess Olympians na produkto ng Mindanao.
Ang mga koponang kalahok at kanilang team captains ay ang mga sumusunod: Region 9 Zamboanga Caballeros; Region 10 X-Men – team skipper Fr. Vic Arellano; Region 9 Davao Chess Eagles (James Infiesto); Region 12 Sox Warriors sa pamumuno ni Joselito Dormitorio; Region 13 CARAGA Miners at Cotabato City BARMM Kutawato Vanguards (Salvador Navarro).
Bawat koponan ay binubuo ng 10 executives and 10 regular players na may 5 reserves bawat team
Pagsapit ng Oktubre 24, ang mga kalahok ay lalaro sa single round robin random chess habang sa Oktubre 25 ay standard play naman ang pagtutunggalian.
“Sox Warriors will be playing under the banner of Ang Bagong Koronadal under the leadership of Koronadal City Mayor Eliordo U. Ogena,” wika ni team captain Dormitorio.(Danny Simon)