Advertisers
SUPORTADO ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang batas na gawing simple ang mga rekisitos para mapabilis ang pagbibigay ng permiso, lisensiya o sertipikasyon at mga kahalintulad nito sa mga negosyo.
Sa Senate regular session, inihayag ni Go ang kanyang pagsuporta sa Senate Bill No. 1844, sa pagsasabing isa ito sa mga batas na hinihiling ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senate President Vicente Sotto III para malaban ang katiwalian sa pamahalaan.
“We have to take radical steps to cut corruption and simplify the requirements and steps in doing business in our country,” ang sabi ni Sen. Go.
Ipinaliwanag ni Sen. Go na malinaw ang mensahe ni Pangulong Duterte sa pagpapatupad ng administrasyon sa mga estriktong tindig laban sa korapsyon.
“This is especially important in these times as our economy recovers from the results of the pandemic,” ani Go.
Idiniin niya na sa pagsasaayos ng mga problema sa burukrasya, hindi lang nito mapapabilis ang pagtatayo ng mga negosyo bagkus ay malalabanan pa ang katiwalian.
“At alam mismo ng mga negosyante ‘yan, ‘yung mga pinapatulog (na papel). Para sa amin ni Pangulo, this is plain and simple negligence po on the part of the government worker. Merong tinatago at merong hinihintay. At mismo pong si Senator Cynthia Villar, alam niya, dahil nagnegosyo po ‘yung pamilya nila sa Davao,” paliwanag ni Go.
“Ayaw na ayaw ni Pangulo Duterte na pinapatagal, at parati niyang pinagbibilin, kapag merong mga negosyanteng nag-o-offer po ng mga suhol, ang parating pinagbibilin po ni mayor Duterte, huwag ninyong tulungan. Pero kapag walang binibigay, tulungan ninyo, turuan ninyo lang kung ano ang dapat gawin, at sumunod lang po sa proseso,” dagdag ni Go.
Sinabi ni Go na nais ni Pangulong Duterte na ang mga transaksyon sa gobyerno ay gawing mas episyente at mas pabor sa taumbayan.
“Katulad po ng sinabi ng Pangulo sa kanyang pakikipag-usap sa publiko noong nakaraang Lunes, why would they take, for example, one month when it can be done in one week or even three days? During his time as mayor of Davao City, three days lang talaga. If it takes more than three days, mayor required an explanation in writing why it took more than three days or else he will file — diretso na sa Ombudsman,” sabi ng senador.
Bagama’t marami pang dapat na ayusin, ikinagagalak ni Go ang progreso sa paglaban ng gobyerno sa red tape.
“Matagal na pong problema ito. Kung hindi pa magsabi ang Pangulo, hindi pa rin ito mabibigyan ng pansin. In fact, sabi po ni Secretary (Ed) Año noong Lunes, bumilis ang pag-approve ng mga LGUs ng permits and licenses. Tumaas ang number of approved applications,” aniya.
“This is good. I hope this is the start of real change in how we deliver public services. Pero sana hindi na kailangan i-remind pa. Trabaho natin yan. Gumalaw na tayo bago pa tayo sabihan,” dagdag niya.
Nakiusap din siya sa publiko na tulungan ang gobyerno sa pamamagitan ng pagsusumbong o pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga pasaway at tiwali sa opisina ng pamahalaan. (PFT Team)