Advertisers

Advertisers

Lakers Pumuro Na

0 234

Advertisers

Isang panalo na lang ang kailangan ng Los Angeles Lakers para makuha ang ika-17 kampeonato ng kanilang franchise.

Mapapantayan na nila ang kanilang karibal na Boston Celtics although ang unang limang titulo ng Lakers ay nakuha nila noong sila ay naka-base pa sa Minneapolis.

Bumawi from their sub-par performances sa Game ang superstars ng Lakers na sina LeBron Jams at Anthony Davis. Kinamada ni LeBron ang 20 sa kanyang 28 puntos sa second half, including 11 points in the fourth quarter habang bumida naman sa depensa si Davis na tumapos na may apat na supalpal.



For the fourth straight game ay kinapos sa triple-double si LeBron na humatak ng 12 rebounds at meron ding walong assists.

Nakabalik na from injury ang star player ng Heat na si Bam Adebayo pero hindi siya masyadong naging epektibo sa opensa. Medyo lumamig din ang Game 3 hero ng Heat na si Jimmy Butler dahil na rin sa matinding depensa ni Davis.

Sa Biyernes (Sabado sa Pilipinas) ay maari nang tapusin ng Lakers ang serye.

Malaking bagay ang ginawang adjustment ni Lakers coach Frank Vogel sa second half kung saan si Markief Morris ang nag-start sa halip na si Dwight Howard. Si Howard kasi ang pinupuntirya ni Butler sa pick-and-roll plays ng Heat dahil hindi ito makasabay sa kanya.

We expect the Lakers to start Morris in Game 5. Epektibo ang “small-ball” line up na ito ng Lakers na ginamit din nila against the Houston Rockets sa Western Conference semifinals. Maliit din kasi ang frontcourt ng Heat featuring 6-9 Adebayo and 6-6 Jae Crowder.



Diyan papasok ang versatility ng Lakers line up. They can go small without really sacrificing height and length. Davis, Morris and LeBron are all 6-9 or taller habang parehong 6-6 ang backcourt starters nila na sina Danny Green at Kentavious Caldwell-Pope.

Tinapos ng Lakers in five games ang lahat ng serye nila bago ang Finals and LeBron is a different kind of animal sa close-out games. Like I said bago pa magsimula ang serye: Lakers in five.