Advertisers
Isinusulong ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi ang ‘Electric Vehicles’ upang mabawasan ang sitwasyon kung saan ang bansa ay umaasa lamang sa petroleum bilang pinagkukunan ng ‘transportation energy’. Sa pamamagitan umano nito ay maaring makinabang ang mga consumer sa mas mababang fuel at maintenance costs.
Tinitiyak din ni Cusi na ang gobyerno ay patuloy na lilikha ng isang ‘conducive environment’ upang matulungan ang Electric Vehicle (EV) sector na lumago, sa pamamagitan ng mga polisiya na magsusulong sa mas masusing pag-aaral at development, gayundin, upang himukin ang mas maigting na paggamit sa EV sa hanay ng iba’t-ibang sektor at industriya.
Pinupuri rin ni Cusi and Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP) para sa pagsisikap nito na dalhin ang EV technology sa bansa, sa ginanap na 8th Philippine Electric Vehicle Summit kelan lang.
Ayon kay Cusi, ang pagsusulong ng EVs ay malayo ang mararating upang makatulong nang sa gayon, hindi na gaanong aasa ang bansa sa petroleum bilang ‘primary energy source for transportation’.
Makakatulong din aniya ito na magkaroon ng mga ‘ínnovation’ sa conventional vehicle sector, kung saan ang mga automotive companies ay maeengganyong maghanap ng mga kaparaanan upang mapagbuti pa ang ‘performance and efficiency’ ng kanilang mga conventional product lines.
Kasabay nito ay isinusulong din ni Sec. Cusi ang pagkonsidera sa potensyal na ligtas na paggamit sa nuclear energy upang matustusan ang palaki nang palaking ‘power needs’ ng bansa.
Ibinahagi rin ni Sec. Cusi ang paglalakbay ng Pilipinas patungo sa pagtuklas ng potensiyal sa ligtas na paggamit ng nuclear energy upang matulungan ang bansa na maabot ang ‘energy security and sustainability goals’ nito.
Nanghihinayang umano si Cusi dahil napalagpas ng Pilipinas ang pagkakataon na gamitin ang nuclear energy bilang alternatibong mapagkukunan ng ‘power’ noon pa sana.
“I firmly believe that our country’s economic landscape would be much different had we tapped nuclear power back then. Instead, our economic development was stunted, whereas our regional neighbors who had boldly ventured towards nuclear, had all been transformed into economic powerhouses,” ani Cusi.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.