Advertisers
SA wakas umusad na din ang pagsisiyasat sa kasong kinasasangkutan ng kontrobersyal na si Dean Alexander A. Gonzales ng Lyceum International Maritime Academy (LIMA), ng Batangas City, matapos na iendorso ng Region 4-A Comission on Higher Education (CHED) sa investigating arm ng naturang ahensya ang ilan sa mga isiniwalat na katiwaliang nagaganap sa naturang akademya.
Sa isang kalatas ni Education Supervisor II Loupel Gueta na napasakamay ng SIKRETA, ay inulat na nag-iimbestiga na ang CHED hinggil sa kasong Fraudulent Practice in the Lyceum International Maritime Academy (LIMA).
Isinalin na ni ( Gueta) ang nasabing usapin sa Office of Programs and Standards Development (OPSD) ng CHED. Ang OPSD ay may kapangyarihan ding magmanman at magsuri sa operasyon ng maritime education programs.
Kung ating pakasusuriin ay tila hilaw ang imbestigasyon ng Region 4-A CHED pagkat ilan pa lamang sa napakaraming nabulgar na anomalya sa LIMA ang nakasalang sa OPSD para pormal na imbestigahan. May kabagalan pa ang paggulong ng kaso ni Gonzales.
Kabilang pa lamang sa sisiyasatin ng OPSD ay ang panlilinlang ni Gonzales sa CHED tulad ng “substitution” o nagpapalit ng propesor o instructor sa LIMA tuwing may nakatakdang monitoring and inspection ang team ng CHED sa nabanggit na eskwelahan.
Hindi kwalipikadong propesor ang mga nagtuturo ng kaukulang asignatura (subject) sa naturang akademya, unqualified ang faculty, wala namang lisensya ay pangkaraniwang binibigyan ng teaching load ni Gonzales pagkat mababa ang salary grade nito.
Inihalimbawa ng ating source ay ang isa daw 3rd Marine Officer o 3rd mate ay pinagtuturo ng Seamanship 2 at Seamanship 5 na dapat ay itinuturo ng isang management level officer tulad ng isang Master Mariner.
Ang mga subject na kinapapalooban ng simulator na mandatory namang itinuturo ng isang master mariner ay isang Junior Officer lamang tulad ng Segundo Opisyal (2nd Officer) o Tersero Opisyal (Thirdmate) ang humahawak.
Ngunit kapag malapit na ang pagbisita ng CHED-MARINA Evaluation and Inspection Team ay saka lamang pinapalitan ni Gonzales ng isang lehitimong propesor na may management level training tulad ng Kapitan (master mariner) o Chief Engineer.
Kung wala namang available faculty ay kumukuha si Gonzales ng bagong propesor na hindi naman kasalukuyang nagtuturo sa akademya. Muli namang ibinabalik ang teaching assignment sa di kwalipikadong faculty pagkatapos ng evaluation and inspection ng CHED-MARINA.
May sumbong din hinggil sa pagtatalaga ni Gonzales ng di kwalipikadong academy asessor na tandisaang paglabag din sa patakaran ng CHED.
Ang aksyon ng Region 4-A CHED offices ay ipinaalam din ni Guepa noon pang September 17, 2020, kina Mamerta P. De Castro,Cecilia Pring at Everlyn De Castro, pawang opisyales ng Lyceum at Atty. Raymund Joseph R, Ibon, legal counsel ng isa sa whistle blower laban kay Gonzales.
Bagama’t umaksyon na ang CHED ay hilaw pa rin ang ating paniniwala may matuwid na direksyon ang kahahantungan ng nasabing pagsisiyasat.
Nakarating kasi ang klasipikadong ulat sa inyong lingkod na malakas ang kapit ni Gonzales sa ilang mataas na opisyales ng Lyceum of the Philippines- Batangas na siyang tagapamahala ng LIMA.
Isang opisyal pa ng LPU-Batangas ang dumidepensa kay Gonzales at tila nais na sirain nito ang kredito ng isa sa saksi sa mga kabalbalang pinaggagawa ni Gonzales sa naturang eskwelahan, sa halip na manawagan ito para lumutang ang iba pang mga saksi laban sa ma-anomalyang dekano.
Duda ang marami na pinapartehan ni Gonzales ang nasabing opisyal mula sa kinikita sa anomalya sa In-House Policy sa naturang akademya?
Hanggang sa kasalukuyan ay wala ding pang aksyon ang Lyceum mamangement sa mga katiwaliang naunang isiniwalat laban kay Gonzales kung saan ay kadawit pa nito sa “paggawa ng pagkakaperahan ang isa sa mga empleyadang kalaguyo nito.
Sa isang sinumpaang salaysay na napasakamay ng SIKRETA ay idenetalye din ang mga kawalanghiyaan ni Gonzales sa pagpapatupad ng In-House Policy sa LIMA tulad ng pagpapatakbo ng school canteen ng dummy ng nasabing dekano kung saan nagbabayad ang mga estudyante kada araw ng mula Php 175-Php 220.
Kinokolektahan din ni Gonzales ng halagang Php 150 ang mga student cadet na dapat ay libreng inuming tubig ng mga ito. May negosyong mineral water refilling station si Gonzales at doon kinukuha ang binabayarang drinking water ng mga student cadet.
Sinisingil din sila ng bayad sa laundry ng mga beddings na hinahakot pa ng sasakyan ng dean sa nakatakdang araw. Sapilitan ding binebentahan ang mga student cadet ng t-shirt na kinukubra ng empleyadang “kulasisi o kalaguyo” ni Gonzales.
Nagbabayad din sa bawat community extension activities (comex) ang mga estudyante na dapat ay libre pagkat kasama sa binabayarang tuition fee. Hindi sa school accounting department binabayaran at kung anu-ano pang di makatwirang kagastusan.
Pati ang kada pagpapagupit ng buhok mga estudyante ay pinagkakitaan din ni Gonzales ng Php 28,000, kalahati nito ay naibubulsa ng naka-detailed service sa LIMA na coastguard personnel.
Sa oras din ng kanyang trabaho bilang dean ng naturang akademya ay may lihim na pinagkitaan din ng malaki si Gonzales na tutorial extra job.
Bagama’t siya mismo ang ka-transaksyon ng mga estudyante ay mga high-paying faculty ang kinukutsaba nito para magturo, kaya sa halip na makamenos sa bayarin sa tutorial services ang mga estudyante ay lalo pang lumalaki ang kagastusan ng mga naturang mag-aaral.
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.