Advertisers
Tuloy-tuloy ang pagtatrabaho ng mga kawani ng Meralco upang makapagbigay ng ligtas, sapat, at maaasahang suplay ng kuryente para sa bagong 90-bed COVID-19 temporary quarantine and treatment facility sa Calamba, Laguna. Kasama sa proyektong ito ay ang pag-install ng mga bagong metering facilities, walong concrete poles, walong spans ng covered conductors, at dalawang 75-kVA distribution transformers. Isa ang temporary quarantine at treatment facility na ito sa mga bagong pasilidad na itinayo ng gobyerno upang labanan ang pandemyang COVID-19. Ang pagbibigay ng maaasahan at tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa mga quarantine at treatment facilities sa franchise area nito ay isa sa mga priority projects ng Meralco ngayong taon, patunay sa walang humpay na suporta ng Meralco sa gobyerno at sa pribadong sector laban sa pandemyang COVID-19.