Advertisers

Advertisers

PAG-EXPROPRIATE SA ASSETS NG PECO PABOR SA MORE POWER

Order ng korte sa Iloilo

0 336

Advertisers

LAHAT ng distribution assets ng dating electric utility na Panay Electric Company (PECO) ay maari nang legal na bilhin ng bagong power firm sa Iloilo City na More Electric and Power Corp (More Power) matapos ipag-utos ng Iloilo City Regional Trial Court na maisama ang iba pang assets ng kumpanya sa inihaing Writ of Possession (WOP).
Sa 22 pahinang desisyon ni Iloilo RTC Judge Nestle Go, kinatigan nito ang mosyon ng More Power na maisama maging ang Category C assets ng PECO sa WOP na una nang ipinalabas ni Iloilo RTC Judge Emerald Requina Contreras noong Pebrero 2020.
Ang WOP na ipinalabas ni Judge Contreras ay ang unang hakbang para sa pag-expropriate ng assets ng PECO matapos itong bawian ng prangkisa at ibigay ang 25 taon legislative franchise sa More Power sa bisa ng isinabatas na Republic Act 11212.
Matatandaan na sa ilalim ng prangkisa ng More Power ay binibigyan ito ng kapangyarihan na i-expropriate ang distribution assets at facilities ng PECO sa layuning na masigurong walang pagkaantala sa power supply service sa lalawigan.
Sa ilalim ng WOP na ipinalabas ni Judge Contreras ay hinati nito sa 3 kategorya ang assets, kasama sa Category A at B ang substations sa La Paz, City Proper, Jaro, Molo at Mandurriao substations; ang Meter Lab at Power Plant Building at ang Switchboard House na nasa General Luna Street.
Kasama naman sa Category C ang business building office ng PECO, elevator at parking lot sa General Luna Street, City Proper; 769-square meter lot sa General Hughes, City Proper;isang 2,401-square meter lot na ginagamit bilang pole stockyard sa Diversion Road, San Rafael, Mandurriao at dalawang guest/staff houses at semi concrete canteen sa General Luna Street, City Proper
Hinarang ng PECO ang pagkuha ng kanilang assets sa ilalim ng Category C, subalit sa ipinalabas na desisyon ni Judge Go, sinabi nito na ang ari-arian na nabanggit ay mahalaga para sa operasyon ng kumpanya.
Sinabi pa ni Judge Go na hindi na kailangan pa ng isang full-blown trial ukol sa nasabing kaso dahil maaari naman magpalabas ng order of expropriation ang korte.
Samantala, sinabi ni More Power Legal Counsel Atty Allana Mae Babayen-on na ang assets sa ilalim ng Category C ay kailangan para sa operasyon ng power firm lalo na at nakatuon sila sa pagdagdag pa ng substations at magagamit nila ang mga lupain at mga gusali para dito.
Kasunod ng naging desisyon ng korte, sinabi ni Babayen-on na hihintayin nila ang Court sheriff na i-turnover sa More Power ang assets na nasa Category C gaya ng naging proseso ng pag-expopriate ng iba pang assets ng PECO.