Advertisers

Advertisers

P2.2-B expired medicines ‘di ipinamahagi ng DoH

0 330

Advertisers

NAKAKUHA ng rating na adverse opinion ang Department of Health (DOH) mula sa 2019 report ng Commission on Audit (COA).
“An adverse opinion was rendered on the financial statements of the DOH as of December 31, 2019,” batay sa kopya ng COA report.
Sa mata ng mga auditor, ito ang pinakamababang antas ng opinyon na maaaring makuha ng isang institusyon, na nangangahulugang hindi nailatag ng maayos ang financial statements ng isang ahensya o opisina.
Ito ang unang beses na nakatanggap ng adverse opinion ang DOH mula sa consistent nitong qualified opinion o pangalawang pinakamataas na rating mula 2009.
Sakop ng nasabing COA report ang accounts at operation ng 90 opisina sa ilalim ng DOH, kabilang na ang Central Office sa Maynila.
Ilan sa pinuna ng state auditors ang hindi tugmang report sa total assets, liabilities at net assets ng ahensya, partikular na ang hindi ni-record na halaga ng lupang kinatitirikan ng San Lazaro Hospital.
Pati na ang hindi raw patas na alokasyon ng kanilang total budget na P114-billion, na tila kinapos pagdating sa improvement ng health care system at hospital equipment.
May nakita rin ang COA na internal control deficiences sa mga warehouse at storage facilities, at issues sa pagpapatupad ng Health Facilities Enhancement Program, disbursement ng budget at paglabag sa procurement guidelines ng ilang ospital at pasilidad.
“Disbursements of ₱360.002 million in 23 CHD Offices, Hospitals and TRCs did not comply with established rules, procedural guidelines, policies, principles or practices, resulting in the incurrence of irregular, unnecessary, excessive and extravagant expenditures.”
“Non-compliance of 56 out of 86DOH Offices, CHDs, TRCs, Hospitals and Bureauswithcertain provisions of RA 9184 and its Revised IRR in the procurement of goods, services,and infrastructure projects amounting to ₱2,063,493,436.10”
Kasali rin sa nasilip ng ahensya ang pinag-uusapan ngayon na P2.2-bilyong halaga ng expired at overstocked o malapit nang ma-expire na mga gamot na hindi pa naipapamahagi ng ahensya.
Una nang umapela ang Malacañang para ipamahagi ng DOH ang malapit nang maexpire na mga gamot
Sa panig ng DOH, wala na silang hawak na expired at overstocked medicines na aabot sa P2.2-billion, dahil tuloy-tuloy naman daw nila itong ipinamahagi.
As of September 30, lahat ng malapit nang ma-expire na gamot at gamit na aabot sa P1-bilyong halaga ay kanila na raw na-distribute.
Ang tinatapos na lang ngayon ay natitira pang P322-milyong halaga ng overstocked commodities mula sa P1.1-bilyong alokasyon. Pati na ang nasa 830 dental kits na nagkakahalaga ng higit P166,000.