Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
BONGGA si Kelvin Miranda, huh! Bibida na kasi siya sa fantasy-romance series ng GMA News TV na The Lost Recipe, na katambal si Mikee Quintos.
Ini-reveal nitong Oktubre 5, Lunes ng gabi, sa Facebook page at Twitter account ng GMA Artist Center at GMA Public Affairs. Hindi pa lang i-announce kung kailan eere ang nasabing prime-time series.
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Kelvin ng pasasalamat sa mga taong pumili sa kanya para magbida sa The Lost Recipe, at sa mga nakatutulong sa kanyang career kasama na rito ang manager niyang si Tyrone James Escalante.
Post ni Kelvin published as is,”Maraming salamat po sa panibagong blessing na dumating sa buhay ko, at talagang sobrang kinagulat ko po ito. Kaya naman po maraming salamat po sa tiwalang ipinagkaloob po ninyo sakin, GMA Artist Center John Mychal A. Feraren Direk Monti Puno Parungao sa lahat ng Bumubuo ng #TheLostRecipe sa mga sumuporta sakin hanggang dito 🙂 .
“Isang makulay na alaala ito na hindi mabubura sa puso at isip ko. Kila Ms.Gigi Santiago-Lara Sir Tyronne James Escalante Daryl Dan Gonzales Zamora sa Handler ko Ate Christelle Mamaril. Kahit matigas ang ulo ko talagang itinutulak niyo parin ako sa abot ng makakaya niyo. Walang hanggang pasasalamat sa inyong lahat.”
Congratulations Kelvin!
***
KUNG si Kelvin ay magbibida na sa The Lost Recipe, ganundin ang Kapamilya star na si Heaven Peralejo. Siya ang lead star sa bagong serye ng Kapamilya network na Bagong Umaga. Sa twitter account ni Direk Lauren Dyogi, head production ng ABS CBN TV, na ngayon ay siya na ring head ng Star Magic, in-announce niya na si Heaven ang bida sa Bagong Umaga, at pinost niya rin dito ang poster ng serye.
Sabi niya, “Soon this October, starring Tony Labrusca and Barbie Imperial with Kiko Estrada, Michelle Vito, Yves Flores and launching in her first lead role in a teleserye, Heaven Peralejo!”
Congratulations Heaven!