Advertisers

Advertisers

Negosyanteng namemeke ng resibo, lagot sa BIR

0 193

Advertisers

MULING hinimok ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga taxpayer na magbayad ng tamang buwis sa tamang oras.

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na asahan na ang mas pinaigting na kampanya nila laban sa mga mapagsamantalang negosyante.

Magkakaroon, aniya, ng pagbabago sa mga susunod na araw tulad ng digitalization transformation kungsaan mas magiging madali na ang pagbabayad ng buwis ng mga taxpayer.



Samantala, nagbabala rin si Lumagui sa mga negosyante na maging patas sa kanilang mga transaksiyon.

Sinabi ni Lumagui na isa sa mga tututukan ng kanilang kampanya laban sa tax evasion ang pamemeke ng resibo ng ilang traders.