Advertisers

Advertisers

MOU ng MIAA at IPOPHL sa pagpapalakas ng proteksyon ng IP rights

0 127

Advertisers

NAKIPAGSANIB ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) upang mapalakas ang proteksyon sa intellectual property (IP) rights at gawing mas epektibo ang polisiya nito.

Si MIAA General Manager Cesar Chiong kasama ang IPOPHL Director General Rowel S. Barba ay lumagda noong Martes, Pebrero 14 sa isang memorandum of understanding para sa dalawang ahensya na pagsamahin ang mga impormasyon at magtulungan para maiwasan ang pagpigil ng importasyon, eksportasyon, bentahan at distribusyon ng mga pekeng produkto o materyal.

Layunin ng MOU na kilalahin ang mga bagong hakbang upang lumikha ng mas komprehensibo at sistematikong mekanismo na pipigil sa paglabag sa IP rights at magtaguyod ng pagtutulungan upang maipatupad ang mga bagong hakbang.



“With this new partnership, MIAA can finally participate in training sessions on IPR, laws and optical media piracy that will equip our personnel with the knowledge and expertise that will ensure effective enforcement of IP laws in the country’s main gateway.” ayon sa airport chief.

Magkakaroon ng periodic oversight meetings sa pagitan ng IPOPHL at MIAA upang tiyakin na ang mga gawain at responsibilidad na nakasaad sa kasunduan ay masunod at maipatupad. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)