Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
DURING her prime na halos walang pahinga ay dominated ni Rosanna Roces ang showbiz especially sexy films under Seiko and mga quality movies na produced ng Reyna Films and Star Cinema na napansin ng kritiko ang husay nito sa pag-arte.
Ang maganda pa sa career ni Rosanna ay napasok din nito ang mundo ng telebisyon at pumatok ang lahat ng kanyang naging regular shows sa dating mother network na GMA7. At dahil mapera, nakapag-invest siya ng maraming properties at nabigyan niya ng magandang buhay ang mga anak na sina Grace at Dennis Adriano o Onyok gayundin ang kanyang magulang, kapatid at mga kamag-anak.
Pero ang masaklap ay ‘yung nawala ng maraming taon kay Osang ang son na si Onyok na nagpadala sa sulsol ng kanyang former manager na matindi ang ginawang paninira sa kanya noon. Aminado si Osang na nasaktan siya sa pananabla ni Onyok sa kanya pero never niya itong siniraan sa publiko, at aminado rin ang actress na hindi maganda ang relasyon nila noon bilang mag-nanay, ito yung panahong sobrang busy niya sa trabaho.
Sa kanyang mga interview kahit na anong pilit na magsalita siya laban kay Onyok ay never itong ginawa ni Osang bagkus sinabi niyang antayin na lang na maghilom ang sugat at magkaayos din silang mag-nanay.
And after 8 long long years ay nangyari na ang sinabi ni Osang na reconciliation sa pagitan nila ng anak. Sa pamamagitan lang ng maikling mensahe sa chat na “Psst,” hayun nag-reply si Onyok sa kanyang Mommy Osang, tapos ang kwento.
Matapos ang kanilang pag-uusap sa chat ay agad na naglambing si Onyok kay Ms. O na ipagluto siya ng favorite niyang bakang caldereta na isa sa specialty sa food selling online business ng Ina na Timplada by Ms. O.
Sa sobrang saya ni Rosanna, that day ay nagluto siya ng marami tapos sinundo nito si Onyok ng sasakyan kasama ang apong si Maha at Leone (anak ni Onyok) at partner na si Blessy Arias at sabay-sabay na silang lahat na kumain ng dala niyang food and then after bonding ay nag-selfie ang mag-ina.
Isa-isa nang inaayos ni Osang ang buhay ni Onyok at susunod na ito sa kanyang mga yapak sa pag-aartista. Yes, unang proyekto ni Onyok ay sa blockbuster young director na si Darryl Yap na director rin ni Osang sa “Pagkalaki Ko, Gustong Maging Pornstar” sa Viva Films.
“Teary eyed ako Peter, iba yung feeling ng nanay na makasama mo uli ang anak mo na wala na kayong issue, at hindi pinag-usapan ang nakaraan. Gusto kong ibigay lahat kay Onyok ang lahat ng kailangan niya.
“Mahal na mahal ko ang mga anak ko at apo sila ang mga inspirasyon ko sa buhay kasama si Blessy na partner ko sa hirap at ginhawa,” pahayag pa ni Osang sa pagbabati nilang ito ni Onyok, na ang goal ay magpayaman uli silang mag-ina. Why not?
***
Eat Bulaga Certified Public Service Noontime Variety Show
Wala pang Covid-19 pandemic ay ilang dekada na nagbibigay ayuda ang Eat Bulaga sa kanilang dabarkads na winner sa kanilang mga segment. Ilang pamilya na ang nabigyan ng Bulaga ng maliit na mga negosyo sa kanilang “Juan For All, All For Juan” na sa gitna ng pandemic ay kanilang ipinagpatuloy at kasali na ang dabarkads sa iba’t ibang parte ng Pinas sa kani-kanilang mga tahanan.
Marami na ring estudyante ang pinag-aral ng programa sa kanilang EB Best at majority sa kanila ay college graduate na. Basta para sa kapakanan ng dabarkads lalo na sa mga hindi nakaangat sa buhay ay priority sila ng Eat Bulaga na tulungan.
Ilan pa sa segment ngayon sa number longest-running noontime variety show na nagbibigay ayuda ay ang Takbuhan sa TV at Bawal Judgemental na ang homepartner ng daily celebrity guest ay may share na half sa pwedeng mapanalunan ng said guest.