Advertisers

Advertisers

Mojdeh nakamit ang gold sa SEAG qualifiers

0 125

Advertisers

IPINAMALAS ni World Junior Championships semifinalist Micaela Jasmine Mojdeh ng Behrouz Elite Swimming Team-Philippines (BEST-PH) ang kanyang bangis sa tubig nang sungkitin niya ang gold sa women’s 200m individual medleysa 32nd Cambodia Southeast Asian Games – National Swimming Qualifying sa New Clark City, Capas, Tarlac.

Dinomina ng 16-anyos na Brent International School standout ang event sa oras na dalawang minuto at 27.44 segundo, iniwanan ang dating Palarong Pambansa multi-gold medalist na si Regina Erin Castrillo, nakakuha ng silver (2:28.75).

Nakuha naman ni Shairrine Floriano ang bronze (2:33.48).



Ang kanyang kapwa World Junior Championships veteran na si Heather White ay naging mainit din sa opening day, nakuha ang gold sa women’s 50m freestyle event.

Nagtala si White ng 26.78 segundo laban sa betaranong si Camille Buico (26.98) at Trixie Ortiguera (27.81).

Sa men’s division, nagtala si Ruben White ng 23.87 segundo para sa bronze medal sa 50m freestyle na pinagharian ni Jarod Jason Hatch (23.59).

Pumangalawa ang national mainstay na si Rafael Bareto (23.82)

Ang torneo na inorganisa ng Stabilization Committee na inihanda ng World Aquatics ay nagsisilbing qualifying event para makapili ng swimmers para sa 32nd SEA Games na gaganapin sa Mayo sa Cambodia.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">