Advertisers

Advertisers

Estudyante target ng ‘serial killer’ sa Cotabato: 1 na naman patay

0 154

Advertisers

ISA pang menor de edad na estudyante ang binaril-patay nitong Huwebes sa Pikit, Cotabato.

Sa ulat, 15-anyos na lalaki ang bagong biktima na hindi na pinangalanan.

Nagbabantay lang ang biktima sa kanilang tindahan nang basta na lamang binaril ng nakatakas na salarin.



Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng pamamaril.

Dahil sa magkakasunod na insidente ng pamamaril na mga menor de edad na estudyante ang biktima, nagpulong ang mga lokal na opisyal ng Pikit nitong Biyernes.

Matatandaan na isang 13-anyos na mag-aaral na pauwi na mula sa eskuwelahan ang binaril at napatay din noong Martes, kungsaan nasugatan ang kasamahan nitong 12 anyos na estudyante.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, nakikipag-ugnayan na sila sa National Security Adviser Sec. Eduardo Año at Department of National Defense Secretary Carlito Galvez Jr., para matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.

Inatasan ni Abalos si mismong si Philippine National Police (PNP) chief General Rodolfo Azurin Jr. na manguna sa naturang imbestigasyon, sa kaso na itinuturing niyang heinous crime.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">