Advertisers

Advertisers

Pumugot ng ulo ng lalaki sa Rizal patay sa engkuentro

0 322

Advertisers

PATAY ang isang lalaki nang manlaban sa ikinasang operasyon ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG).
Ayon kay Col. Villaflor Banawagan, Commander ng AKG Luzon Field Unit, naganap ang engkwentro nitong Miyerkules, 3:00 ng mada-ling araw, sa . Naugsol, Subic, Zambales.
Maghahanain sana ng warrant of arrest ang mga pulis laban kay Edison Villaran sa kasong murder nang paputukan nito ang mga operatiba, dahilan para ratratin siya ng mga pulis na nagresulta sa kanyang pagkasawi.
Nabatid na si Villaran ang nasa likod ng pagpugot ng ulo ng isang lalaki sa Cardona, Rizal noong August 2019.
Una nang naaresto ang ka-patid ni Villaran na co-accused sa kaso nitong October 3 sa Pasig.
Sa report, miyembro si Villaran ng grupo ng dating pulis na si Patrolman Maray na sangkot sa robbery at kidnapping for ransom na nakaengkwentro narin ng mga pulis sa Rizal nitong July.(Mark Obleada)