Advertisers
MAHIGIT P2-milyong halaga ng diumano’y cocaine ang nasabat sa isang buy-bust operation sa Zamboanga City kamakailan, ngunit sa imbestigasyon ay napag-alamang asukal pala ang mga ito at hindi droga.
Ayon sa ulat, nakumpirmang asukal ang mga nasabat nang dumaan ang mga ito sa tatlong klase ng laboratory examination.
Dahil dito, pinalaya ang apat kataong nahuli sa operasyon.
Dismayado naman ang pulisya at ang lokal na pamahalaan at pinaiimbestigahan na ang insidente.