Advertisers

Advertisers

Paolo suportado ang pagpasok sa showbiz ng anak na si Summer

0 337

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

SA loob ng anim na buwan, 30 pounds na ang nabawas sa timbang ng Kapuso actor-comedian na si Paolo Contis.

Ayon kay Paolo, na-inspire siyang mag-exercise at magpapayat para sa kanyang one-year-old daughter na si Summer.



Kuwento ni Paolo sa panayam ng 24 Oras, “It’s not really the weight I lose but the life I gain. It’s true para sa akin. Napunta na ako sa point na pagtakbo ni Summer ng ikatlong hakbang, ayoko nang sumama, e. Hindi pwedeng ganun. Kailangan nakakahabol na ako. Ngayon, I eat better, I sleep better, I stopped drinking.”

Aminado rin si Paolo na bukas ang posibilidad na papasukin din ni Summer ang mundo ng showbiz kaya naman tinuturuan niya ito ng iba’t ibang acting techniques na kinaaaliwan naman ng netizens.

“Para akong may matandang kausap, grabe nakakatuwa,” say ng aktor. “Deretso na ‘yung conversation pero siyempre baby pa rin magsalita. Tapos may mga acting siya na ‘Ouch! Ouch!’”

Dagdag pa ni Paolo, susuportahan niya kung ano man ang gustong gawin ni Summer in the future. “Cliché man pero kung saan siya masaya pero habang bata, ang ituturo mo lang naman sa kanya are the values para ‘pag sinabak mo siya sa giyera, alam na niya ang lahat.”

***



Betong Sumaya tutok sa kanyang mental health

Ikinuwento ni Betong Sumaya sa GMA Artist Center show na Quiz Beh ang kanyang paraan para masigurong nabibigyan niya ng pansin ang kanyang mental health. Inamin niya na may pagkakataong iniiwasan niya munang manood ng balita.

“May times na ayoko manood muna ng news. Hindi ko sinasabi na hindi importante, napakaimportante ng news. Pero may point minsan na parang naa-alarm ako. Kasi parang nakikita mo parang ‘yung cases nararamdaman mo,” paliwanag niya.

Binigyang-diin ni Betong na malaking tulong ang pagdarasal sa mga oras na nakararamdam ng lungkot at may mga pagsubok sa buhay.

“‘Yung faith mo talaga kay Lord…. wala tayong ibang makakapitan ngayon kung hindi si Lord talaga ‘di ba, sa dami ng mga nangyayari sa atin.”

Bukod dito, malaki rin ang pasasalamat ng Kapuso comedian sa nagagawang tulong ng technology para makausap ang kanyang pamilya.

Aniya, “Ako po, home alone talaga ako; 7 months na akong home alone dito sa Quezon City. Pero siyempre, I have to make a way na makausap ko ‘yung family ko so very thankful ako na meron tayong Facetime at iba’t ibang ways na makausap sila.”

***

RitKen magpapakilig sa Dear Uge ngayong Linggo

Ang Kapuso loveteam nina Rita Daniela at Ken Chan ang maghahatid ng good vibes sa episode ng Dear Uge ngayong Linggo (Oktubre 11).

Sa kilig episode na ‘Isko-Lie ng Bayan,’ tampok si Ken bilang Isko, isang gwapong networking agent na mahilig magsinungaling para makaakit ng kliyente.

Ngunit ang biggest lie ni Isko ay ang pagtago ng kanyang feelings para kay Betty (Rita), ang kanyang longtime crush.

Kaya lang “in a relationship” na si Betty at ang kanyang best friend na si Troy (Yasser Marta). Pero malalaman ni Isko na niloloko lang pala ni Troy si Betty. Protektahan kaya niya ang matalik na kaibigan o ipagtatapat niya ang katotohanan kay Betty?

Panoorin ang ‘Dear Uge’ kasama sina Ken Chan, Rita Daniela, at Yasser Marta ngayong Linggo, Oktubre 11, sa GMA 7.

***

Sunshine Dizon at Gabby Eigenmann, ano nga ba ang wish ngayong Pasko?

Tulad ng marami, wish nina Sunshine Dizon at Gabby Eigenmann ngayong darating na Kapaskuhan ang matapos na ang COVID-19 pandemic. Ang dalawang Kapuso actors ang bibida sa upcoming fresh episode ng Wish Ko Lang! ngayong Sabado (October 10).

“Sana matapos na ang pandemic at bumalik na sa normal lahat,” share ni Sunshine nang matanong kung ano ang natatangi niyang “wish” this Christmas.

Say naman ni Gabby: “Dalawa lang wish ko: ang matapos na pandemya at maging normal na ang buhay; at higit sa lahat makasama ang mga mahal mo sa buhay nang masaya.”

Parehong nanibago sina Sunshine at Gabby sa taping para sa new episode ng Wish Ko Lang. Para kay Sunshine, unforgettable raw sa kanya ang buong “experience of dealing with the new normal”.

“Una sa lahat ang makabalik sa trabaho, medyo kailangan masanay sa bagong normal,” sabi naman ni Gabby. “Unforgettable yung naka-mask ka habang nagba-blocking. Sa mga eksena naman ay yung natabunan kami ng lupa.”

Pinamagatang “Nilamon ng Lupa” ang naturang episode na makakasama rin nila sina Klea Pineda at Kelvin Miranda. Kuwento ito ng pamilyang naging biktima ng isang sinkhole at mapapanuod ngayong Sabado (Oct. 10), 4 pm sa GMA Network.