Advertisers
PUMANAW ang isa pang Pilipinong vlogger nitong Setyembre 27 nang masangkot sa isang car accident sa Bayawan, Negros Oriental.
Kinilala ang nasawi na si Gelson Bagatua, content creator mula sa Dipolog City.
Sa ulat, nangyari ang aksidente sa Dumaguete City 3:00 ng umaga.
Dumagsa ang pakikiramay mula sa followers, kaibigan at nakakakilala sa mga naulila ng vlogger.
Nakilala si Bagatua sa paggawa ng mga nakakatawang content at mayroong mahigit 11,000 subscribers sa YouTube at mahigit 41,000 followers sa Facebook
Kamakailan lang binigla ang publiko ng maagang pagkamatay ng dalawang kilala rin vloggers sa bansa na sina Emman Nimedez at Lloyd Cafe Cadena.