Advertisers
UMULAGTA ang isang kasapi ng Philippine National Police (PNP) nang pagbabarilin sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Kinilala ang biktima na si Police Sergeant Alvin Capulot na nakatalaga sa Lebak Municipal Police Station sa sa Sultan Kudarat.
Ayon sa ulat, nakatayo lamang ang biktima sa gilid ng kalsada sa Barangay Pasandalan, Lebak nang pagbabarilin ng riding in tandem.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Lebak PNP sa pamamaril sa kanilang kasamahan.