Advertisers

Advertisers

Bianca  suportado ng netizens vs bashers; Jak 5 years pa bago pakasalan si Barbie

0 224

Advertisers

BUMUHOS ang pagmamahal at suporta ng mga netizen para kay Bianca Umali matapos itong makatanggap ng negative comments sa social media.

Pinuna ng bodyshamers ang picture ni Bianca na tila fresh out of the shower look. Agad namang dumipensa ang mga kaibigan ni Bianca at ilang netizens.

Tweet ni @MaryAnn0799,”How ironic some girls are into body positivity and boosting self esteem and yet they are the one who will judge and bash u. So sad of Bianca Umali she dont deserve that kind of bashing. Sabi nga her body her choice. Grow up kiddo change ur mindset for the better.”



Ayon naman sa Twitter user na si  @JPorques, “I don’t see any problem with her picture. It simply proves how gifted she is with her bone structure. Ganda kaya niya! No need for contour make up because it shows! Bianca Umali is beautiful inside and out.”

Request pa ng ibang supporters ni Bianca na dapat mas pagtuunan ng pansin ang women empowerment at pagsuporta sa isa’t isa kaysa sa pamba-bash.

***

Jak Roberto ibinahagi ang ideal marrying age

Going strong ang relasyon ng Kapuso couple na sina Jak Roberto at Primetime Princess Barbie Forteza. Kailan lang ay nag-celebrate sila ng 3rd anniversary, at inamin ni Jak na iniisip niya ang future nilang dalawa.



Kuwento niya, “Lagi ko pong sinasabi sa mga interview na tuwing magkakaroon po ako ng karelasyon, kino-consider ko na po na laging ‘yun ‘yung last. Ganoon ako pag nasa relasyon. Binibigay ko po ‘yung best ko, siguro as preparation sa lahat ng plano in the future.”

Nang matanong kung ano ang ideal marrying age niya, “Siguro po mga 30 plus [years old] para talagang may ipon na. Siya kasi, sabi niya mga 28 [years old] gusto niya mag-settle.”

Biro ni Jak, “Sabi ko, na-pressure naman ako! Well, 23 [years old] pa lang naman siya so I still have 5 years to prepare.”

***

Iya Villania ipinakita ang postpartum body

Patunay ang Instagram postpartum photo ni Mars Pa More host Iya Villania na hindi madali ang pinagdaraanan ng mga mommy na gaya niya matapos manganak.

Matatandaan na noong July 18 ay isinilang ni Iya ang unica hija nila ng asawang si Drew Arellano na si baby Alana.

Isang linggo makalipas ang kanyang panganganak ay ginulat ni Iya ang netizens sa kanya after childbirth photo na kapansin-pansin ang mabilisang pagliit ng kanyang tiyan. Bukod sa pagkain ng masustansya at exercise, nagpapa-breastfeed din daw si Iya na nakatutulong sa pagbabawas ng timbang.

“Crazy what a mother’s body goes thru! Being so much kinder and patient with my body this time. My body isn’t where I want it to be but I’m okay with that. It will take time and I’m in no rush,” ayon kay Iya. Samantala, makisaya kasama sina Iya at Camille Prats sa star-studded weeklong anniversary special ng Mars Pa More ngayong Linggo, 8:45AM, sa Kapuso Network.

***

Dianne Medina at Rodjun Cruz online ang baby shower

Star-studded ang ginanap na virtual baby shower para sa baby boy nina Rodjun Cruz at Dianne Medina noong nakalipas na Linggo.

Matatandaan na noong Abril ay inanunsyo ng celebrity couple na ipinagbubuntis ni Dianne ang kanilang first baby at noong Hunyo ay nagkaroon sila ng virtual gender reveal party.

Dahil sa new normal, naisipan muli ng soon-to-be-parents na gawing online ang baby shower ng kanilang baby boy na si Rodolfo Joaquin Diego III.

Join dito sina Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Sunshine Cruz, Donna Cruz, Geneva Cruz, at Djanin Cruz. Nagpasalamat naman si Rodjun sa lahat ng dumalo sa kanilang intimate virtual baby shower, “Thank you talaga Family! Love namin kayo! Siguradong super happy ni Baby Rodolfo Joaquin Diego III.”

***

SAMANTALA, napapanood sina Rodjun at Rayver sa paboritong weekend musical comedy variety show na All-Out Sundays tuwing Linggo, 12:35PM, sa Kapuso Network. – (Rommel Gonzales)