Advertisers
DAHIL sa tuluy-tuloy na pag-ayuda at pagtulong ng Kapuso star Heart Evangelista sa mga naapektuhan ng Covid 19 pandemic.
Hindi naman nag-atubili si Heart na magbigay-tulong sa mga nangangailangan.
At dahil nga sa sipag ni Heart eh nag-join din ito at sumama sa mister na si Gov. Chiz Escudero sa Sorsogon.
Sa latest post sa social media ni Heart, ipinakikita naman nito ang pagbibigay ng ayuda sa mga kababayan na naapektuhan ng pandemya.
Pero may mga netizen naman na nag-aalala kay Heart kung nagpapahinga pa ba ito sa dalas ng pagkakita sa actress sa ginagawa nitong pagtulong at kaagapay pa siya ng mister na si Chiz sa pamumudmod ng ayuda.
Kaya naman ang netizens eh kinabiliban si Heart sa pagiging superwoman at wala nga raw angal na maririnig sa kanyang ginagawa.
At dahil nakasanayan na ang pagtulong sa kapwa eh hindi raw ito magsasawa sa kanilang misyon na pagtulong na kanilang nasimulan.
Never daw pagsasawaan ni Heart ang pagbibigay ayuda sa mga naapektuhan ng pandemya.
***
Jessy ipinagtanggol si Luis sa patutsada ni Angel
SA IG post ni Jessy Mendiola eh idinepensa nito ang dyowa na si Luis Manzano sa patutsada ni Angel Locsin sa isyung pananahimik ng ilang Kapamilya stars sa hindi pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN.
Ayon kay Jessy, kumikilos ang kanyang bf at tumutulong sa mga naapektuhan na mawawalan ng trabaho.
Paglilinaw ni Jessy na gumagawa ng paraan ang dyowa na mabigyan ng work ang mga mawawalan ng trabaho sa tuluyanh hindi pagbibigay prangkisa sa Kapamilya network.
Katunayan bumuo ng job fair si Luis para sa kanyang staff sa show para maipagpatuloy ang paghahanap buhay ng mga ito sa panahon ng pandemya.
Tumutulong na nga raw eh nababatikos pa at hindi naman daw kailangang ipaalam ng ipaalam ang ginagawa.
Proud si Jessy sa pagtulong ng dyowaer sa mga Kapamilyang mawawalan ng work.
Hindi naman daw porke’t nananahimik eh wala nang ginagawa ayon pa sa followers ni Luis.
Sa pagkuda ni Jessy, for sure na mananahimik na sa patutsada ang nagbibida-bidahan komento ng isa pang follower ng magdyowa.
Well, well, well…’Yun na! – (Jovi Lloza)