Advertisers
AARANGKADA na ang tanging conference ng season sa panahon ng pandemya- ang Philippine Basketball Association (PBA) @45 Philippine Cup sa Angeles University Foundation Gym sa darating na Linggo (Oktubre 11) sa Angeles City.
Itinatampok sa PBA Bubble doubleheader ang bakbakan sa pagitan ng TNT Tropang Giga laban sa Alaska sa pagtaas ng telon bandang 4:00 ng hapon na susundan ng sagupaang Baranvay Ginebra kontra NLEX dakong 6:45 ng gabi.
Sinabi kahapon ni PBA Deputy Commissioner Eric Castro sa linggubang Philippine Sportswriters Association (PSA) webcast Forum na ang bawat koponan ay tiyak na maka-lalaro ng at least tatlong beses isang linggo sa araw-araw na doubleheaders simula Oktubre 11 hanggang Nobyembre 11 sa pagtatapos ng eliminasyon.
“Araw-araw ang games natin. We’re looking at around 2 to 3 games per week and then maximum na yung 4 times a week each team,” pahayag ni Castro.
“We have scheduled games more or less every other day so there are no back to back games for evey team.”
Kabuuang 66 games ang ilalaro sa eliminations capped by a rare tripleheader sa pagitan ng Blackwater vs Terrafirma, Meralco vs TNT at Rain or Shine vs Phoenix sa Oktubre 31. “The next month (December) will be alloted for playoffs and finals until December 15,” ani pa Castro. (Danny Simon)