Advertisers
HIGIT na mapapabilis ang pagresponde sakaling magkaroon ng krimen sa isang lugar dahil magiging kaagapay ngayon ng mamamayan ang nagsipagtapos na 93 ‘tactical motorcycle riders course’ ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na sumalang sa matinding pagsasanay upang pangalagaan ang kaayusan at katahimikan sa Metro Manila.
Ayon kay NCRPO Regional Director PMgen Jonnel C Estomo, ang 93 newly graduates ng TMRC na binubuo ng 51 male at 24 female ay kabilang sa Class 2022-02 and 03 ng “ LYCANTHROPE “ kung saan ay pinamahagi sa kanila ang Certificates, Conferment of Awards and Ceremonial Pinning of TMRC badge.
Labing-isa sa kanila ang pinagkalooban ng parangal bilang mahuhusay na tactical motorcycle riders ng kapulisan.
Ipinakita din nila ang kanilang natutunan sa kahusayan sa pagsakay sa motorsiklo habang tumutugon sa mabilis na pagresponde o tawag ng pangangailangan ng mamamayan laban sa kriminalidad.
Hinikayat naman ni NCRPO Deputy Director PBGen Jack Wanky ang mamamayan na “patuloy ding ipagdasal ang hanay ng pulisya bilang kalasag at tagapagbantay ninoman at saanman, gayundin,ang lagiang paalala ng simbahang Katolika ay panatilihin ang kapayapaan at pangalagaan ang kaligtasan ninoman at saanman.”
Ang isang simpleng closing ceremony para sa TMRC graduates ay dinaluhan ng ilang matataas na opisyales ng PNP na ginanap sa Camp Bagong Diwa grandstand, Bicutan, Taguig City. (JOJO SADIWA/Photos by: CESAR MORALES)