Advertisers

Advertisers

‘Di na kailangan isama ang tabako

0 257

Advertisers

HINDI na kailangan pa, at hindi rin mahalaga na amiyendahan ang Republic Act 10845, Anti-Smuggling of Agricultural Products Law, para lamang maisama ang tabako, hilaw man o sigarilyo na ito, gaya ng sinasaad ng panukalang Senate Bill 1812.

Ang purpose ng RA 10845 ay talaga namang tiyak at malinaw na isinasaad sa batas na ito. Ang Section 2 nito halimbawa ay nagsasaad na “patakaran ng bansa ang isulong na maging produktibo ang sektor ng agrikultura at proteksiyonan ang mga magsasaka sa mga ganid na mangangalakal at mga importer, na sa kanilang kagagawan, gaya na lamang sa bigas, halimbawa, ay naapektuhan ang produksiyon, pagkakaroon ng suplay at katatagan ng mga presyo, at ang seguridad ng pagkain ng Estado.”

Ang pangunahin at mahalagang produkto ng agrikulturang binabanggit sa RA 10845 ay ang mga “asukal, mais, karneng baboy at manok, bawang, sibuyas, carrots, isda sugar, corn, pork, poultry, garlic, onion, carrots, fish, at iba pang hilaw na mga gulay, na dumadaan sa simpleng proseso ng paghahanda para lumapag sa merkado.”



Una, ang tabako, hilaw man o nai-process na, ay ‘di na kailangan pang isama sa listahang binabanggit sa RA 10845.

Maling polisiya kung ang tabako o sigarilyo ay isasama bilang mahalagang produkto ng agrikultura na makaaapekto sa seguridad ng pagkain sa bansa. ‘Di naman natin kinakain ang tabako. Hindi ito kailan man matatawag na pagkain. ‘Di rin ito mahalaga na isama sa ating mga hapag kainan.

Ang tabako o sigarilyo nga ay kinokontrol ng pamahalaan dahil sa napatunayang mapaminsalang epekto nito.

Ang mga nakalistang pagkain sa RA 10845 ay kinakailangan ng ating kalusugan at sa kaligtasan ng bawat Filipino. Ang paggamit ng tabako o sigarilyo ay isang bisyo lamang at nilapatan na nga natin ng “sin tax” kasama sa alak.

May mga batas narin at mga panuntunan para mabawasan ang tabako at maging paninigarilyo lalo na ang mga kabataan.



Ang mga pangunahin at mahahalagang pagkain sa RA 10845 ay may kaugnayan sa supply at demand at katatagan ng presyo. Ang tabako, sigarilyo at mga kagaya pang produkto nito ay hindi. Ang presyo pa nga nito ay dinidikta ng pamahalaan para sa makukuhang buwis, hindi dahil sa supply at demand.

Ang bigas, asukal, gulay at mga karne ay nagbibigay kalusugan sa atin, pinahahaba ang ating buhay. Ang tabako at sigarilyo ay pumapatay.

Sa madaling sabi, ang tabako at sigarilyo ay nabibilang sa ibang tinatawag na “agricultural products” at ‘di kailangan isali sa listahan ng agricultural products sa RA 10845.

Pangalawa, ang pamahalaan ay subsob na sa pakikipaglaban sa smuggling ng mga pangunahing produkto ng agrikultura na kailangan nating lahat at nakasaad RA 10845. Kung idadagdag natin ang tabako rito lalo tayong magkakahetot-hetot sa pagpuksa ng smuggling. Mismo!

Pangatlo, kailangan talaga ang matinding pagpapatupad ng batas na ito. Dahil kita ninyo ang nangyari sa sibuyas, ‘di ba nagulo tayo? Para ‘di na maulit ito, hindi pag-aamiyenda sa batas ang kailangan, pagpapatupad sa mas istriktong pamamaraan ang dapat.

Dahil ang RA 10845 ay kumpleto na, ‘di na kailangan pang dagdagan ang mga tinatawag na ‘essential food commodities’. Lalo na ng tabako na itinuturing nating ‘di naman esensiyal.

Dapat ang ginagawa ng ating mga mambabatas at ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng BOC, DA, DOF, DOJ, etc. ay tukuyin, hulihin at ikulong ang smugglers ng essential food products, para masubukan narin ang bangis ng RA 10845 na may mabigat na parusa sa mga sumasabotahe ng ating ekonomiya. Mismo!

Ang salitang “economic sabotage” ay kailangan masubukan, kumpleto na ang krimeng ito sa rekado ika nga. Andiyan ang price manipulation, smuggling, hoarding at profiteering, kasama din ang large-scale illegal recruitment, infringement of internationally known trade names at trademarks, at unfair trade practices.

Sa kasamaan palad, wala pa tayong nabalitaan na nagsampa ang pamahalaan ng “economic sabotage” sa ni isa mang smuggler. Eto na siguro ang tamang panahon, sampalin natin ng economic sabotage ang lalabag sa batas nating pinag-uusapan.

Istrikong pagpapatupad ng batas ang ating kailangan. Hindi amendment. Hindi tugma ang panukalang Senate Bill1812 sa pinaka-layunin ng RA 10845. Tandaan!