Advertisers

Advertisers

Gobyerno kinalampag ng magsasaka sa kabiguan ng repormang agraryo

0 195

Advertisers

KINALAMPAG ng grupo ng mga magsasaka ang gobyerno dahil umano sa kabiguan nitong ipatupad ang tunay na repormang agraryo para mabigyan ng lupa ang mga walang lupang magsasaka.

Sinabi ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) Chairperson Danilo Ramos na nabigo ang programa ng Department of Agrarian Reform (DAR) na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) para sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka dahil hindi naman napasakamay ng mga magsasaka ang kanilang mga lupang sinasaka.

Nabati sa telephone interview sinabi ni Ramos na hindi nagkaroon ng tunay na repormang agraryo para sa mga magsasaka at ibinigay na halimbawa nito ang patuloy na pagmamay-ari ng malalaking lupain ng panginoong maylupa sa mga malalawak na lupain.



Ayon kay Ramos na isang halimbawa nito ang pagkabigo ng programa ng pamahalaan na agrarian reform na ipinatupad ng gobyerno sa Timog Katagalugan (Southern Tagalog Region), Tungkong Mangga San Jose Del Monte Bulacan at sa Hacienda Luisita sa Tarlac.

“Walang nangyaring tunay na agrarian reform simula ng ipatupad ng DAR ang CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program)” ani pa ni Ramos.

Nabatid pa kay Ramos na kung hindi naisanla ang lupa ng magsasaka napasa kamay ito ng mga malalaking panginoong maylupa.

Sinabi pa sa lider magsasaka ang pagkabigo ng repormang agraryo ay buhay na karanasan ng mga magsasaka sa Timog Katagalugan at Hacienda Luisita na ang ilang mga lupa ay napasa kamay ng mga malalaking korporasyon at nakuha ng mga panginoong maylupa.

Nanawagan din si Ramos na hindi na dapat ipagpatuloy pa ng DAR ang CARP makaraang magtapos ang programa nito nitong June 30, 2014 at sinabing matagal ng “patay” ang CARP at nailibing na.



“Ang kailangan isulong ng gobyerno at ng DAR ay ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) na magtitiyak ng tunay na repormang agraryo” ani pa ni Ramos.

Samantala sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng Department of Agrarian Reform (DAR) hinggil sa pahayag ng KMP subalit nabigo ang sumulat na makuha ang panig ng DAR.(Boy Celario)