Advertisers
MAY konting advise lang ako sa aking kaibigang Yorme Kois ng Maynila tungkol sa operasyon nitong towing sa mga illegal parking sa kalye.
Instead na towing, na batid nating abusado ang mga crew nito at nakasisira pa ng kotse, makabubuti na clamping nalang ang ipatupad sa illegal parking, diretso pa sa kaban ng Maynila ang multa.
Sa towing, kumpanya lang nito ang kumikita, barya lang ang napupunta sa City Hall tapos ang mayor ang napapasama sa taumbayan. Mismo!
***
Hindi lamang mayorya ng Kamara ang naniniwala sa galing at husay ni Congressman Alan Peter Cayetano bilang pinuno ng Mababang Kapulungan. Lumalabas sa pinaka-bagong survey ng Pulse Asia na 70% ng mga Pilipino o 7 sa 10 Pinoy ay nasisiyahan sa pamumuno ni Cayetano sa Kamara sa gitna ng pandemya.
Kung makikinig sa pulso ng taumbayan ang mga kongresista, malamang na hindi na mapapalitan si House Speaker Cayetano. Sa kabila ng maraming intrigang binabato ng kampo ni Cong. Lord Velasco ay hindi natinag ang malaking tiwala ng 70% ng taumbayan na maganda ang ginagawa ni Cayetano sa Kamara.
Simula nang umupo si Pangulong Rody Duterte, nagkaroon na ng tatlong Speaker ang Kamara ngunit si Cayetano lamang ang nakapagrehistro ng pinakamataas ng approval rating mula sa mga Pilipino. Bilang mga pinuno, napakalahaga ng pahiwatig ng suporta at pagtanggap ng mamamayan sa kanilang mga trabaho.
Ang mahusay na pamumuno ni Cayetano sa Kamara, ang kanyang magandang track records at integridad bilang mambabatas ang ilan sa mga dahilan kung bakit buo parin ang tiwala sa kanya ng mayorya ng mga kongresista.
Marami rin ang nagustuhan ang “open at transparent” na pa-mamalakad ni Cayetano. Kahit mga miyembro ng civil society at academe ay nabigyan ng pagkakataon makilahok sa talakayan ng Pambansang budget.
Sa totoo lang, sinasabing makasaysayan ang pagtaas ng approval at trust rating ng House of Representatives simula nang umupo si Speaker Cayetano. Ikinagalak din ito ng mga kongresista dahil gumanda ang paningin ng mga tao sa kanilang institusyon.
Noong Hulyo 2020, labingwalong panukala na ang naging batas. Nalagpasan na nito ng higit 200% ang dalawang nakalipas na Kongreso base sa dami ng mga bill na naging batas sa loob ng Unang Regular Session. Sa kabuuan, 12 ay national bills at 6 dito ay local bills. Kabilang dito ang: a) Pagpapaliban ng Eleksyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan, b) Bayanihan to Heal as One c) Pag-restructure ng Excise tax rates para sa alcohol,heated tobacco at vapor products, d) Pagbuo ng National Academy of Sports e) Salary Standardization Law of 2019, f) Pagpapalawig ng Availability ng 2019 Appropriations hanggang Disyembre 31, 2020, g) General Appropriations Act 2020, h) Good Moral and Right Conduct (GMRC) and Values Education, i) Pagpapatayo ng mga Malasakit Centers, at j) Anti-Terrorism Act of 2020.
Umabot din ng 86 national bills at 156 local bills ang naipasang panukalang batas ng Kamara sa huling pagbasa at naipadala sa Senado noong Hulyo 26, 2020 pagkatapos ng Unang Regular Session. Patuloy pa itong nadagdagan ng 24 national bills at 89 local bills nitong ilang buwan ng Pangalawang Regular Session.
Kahit panahon ng pandemya ay naging prodaktibo ang Kamara. Nagbuo ito ng Defeat Covid-19 Committee na nakapagpasa ng 6 bills na naglalayon para palakasin ang pagtugon sa COVID-19 at pagtulong sa sa mga naapektuhan ng lockdown. Nangyari ito sa loob ng isang buwan lamang.
Tulad ng nabanggit ng ibang mambabatas, hindi makakabuti ang magpalit ng Speaker sa gitna ng pagtalakay ng Pambansang Budget lalo na at may kasalukuyang pandemya. Mismo!