Advertisers

Advertisers

1 patay sa sinkhole sa Cebu

0 181

Advertisers

NATAGPUAN ang bangkay ng isang babae nang magkaroon ng sinkhole malapit sa kanyang tirahan sa Danao City, Cebu.

Ayon sa ulat, ang nasawi isang 46- anyos na biktima na natabunan sa sinkhole sa Purok 3, Barangay Sabang, Danao City, Cebu, Biyernes ng gabi, Pebrero 3.

Narekober ang bangkay ng biktima 9:00 ng gabi ng Sabado.



Ayon sa City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ng Danao City, kasalukuyan silang nagsasagawa ng assessment upang malaman kung ligtas pa ba ang lugar na tirahan.

Tinitingnan na ng CDRRMO kung kinakailangan ba na magsagawa ng preemptive evacuation sa mga residente sa lugar.

Sa report, dati nang ginamit sa quarrying ang lugar kungsaan nabuo ang sinkhole at posible umanong nag-collapse dahil sa mga pag-ulan.