Advertisers
NATIMBOG ng Capas Police sa entrapment operation ang 45-anyos na lalaki na sangkot sa online estafa sa Barangay Estrada, Capas, Tarlac.
Sa ulat ni Lieutenant Colonel Neil Rainier H. Mercado, hepe Capas Police, nagsagawa ng entrapment operation noong Huwebes, Pebrero 2, laban kay “Jun”, ng Barangay San Agustin.
Inakusahan ng dalawang biktima ang suspek na gumagawa ito ng dummy account o pekeng Facebook account gamit ang pangalan at larawan ng isang biktima at nanghihiram ng P4,000.
Nalaman na lamang ng mga biktima na na-scam sila nang ma-realize rin nila na dummy account ang kanilang kausap. Kaya naman nagtungo agad sila sa Capas Police Station.
Nasa kustodiya na ngayon ng Capas Police ang suspek at mahaharap sa reklamong paglabag sa RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012.)