Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
NAGSIMULA nang mag-rehearsal ang magiging hurado ng Masked Singer Pilipinas na sina Aga Muhlach, Matteo Guidicelli, Kim Molina at Cristine Reyes. Ang Viva ang producer ng singing competition na mapapanood sa Kapatid Network kaya puro Viva stars ang kinuhang hurado, na magsisimula sa October 24.
Makakatapat ng Masked Singer Pilpinas ang The Clash Season 3 ng GMA 7.
Marami ang sumang-ayon sa magandang sagot ni Billy sa isang Kapamilya fan na nag-comment ng, “Congrats!! But I`m a #kapamilyaforever” na sinagot nga ni Billy ng, “same here:) it`s for my family.”Maging ang mga nakasama ni Billy sa ABS-CBN ay naunawaan ang naging desisyon ng actor/TV host/dancer sa paglipat sa TV 5.
Isa na nga riyan si Vhong Navarro na nag-message ng good luck sa dating kasama niya sa “It`s Showtime.”
Nagpakatotoo lang si Billy dahil kailangan niyang kumayod para sa kanyang wife at anak nila ni Coleen Garcia.
***
NAGULAT ang netizens sa ipinost ni Kris Aquino sa kanyang Instagram page ng larawan niya kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.
Sa larawan ay makikita si Kris na nasa gitna nina Joshua at Bimby na halos magkasingtaas kaya nagmukha tuloy duwende ang una at hanggang balikat lang siya ng dalawang anak.
“My TOWERS of #love. Happy weekend!” caption ni Kris.
Tanong tuloy ng karamihan ay paano raw tumangkad ang dalawa, lalo na si Bimby na 13 years old pa lang ngayon.
“Kuya is 6`2”, Bimby is 6 feet but because his hair grows patayo parang 6`1 na siya- but if you look at their legs- same na where their knees are so I think bimb will outgrow his kuya because he`s really tall & lean,” sagot ni Kris.
Sa comment section ni Kris ay naikuwento nito na abot nga raw ni Bimby ang mataas na aircon nila pati na ang highest part ng shelves sa kanilang bahay. Ibinahagi rin ni Kris ang sekreto kung bakit tumaas ang kanyang mga anak.
“When I need the overhead aircon steam cleaned, bimb doesn’t even need a step stool. Parang wala lang, then pag yung highest part ot the shelves where most would need a ladder, si kuya just reaches up to get what I need…it`s really drinking a lot of fresh milk & sleeping early (apart of course from DNA).. I hope you`re staying healthy,” kuwento ni Kris.
May nagtanong kung wala raw bang balak sundan ni Bimby ang yapak ng kanyang ama na si James Yap na isang sikat at magaling na basketball player.