Advertisers
BIGYANG dignidad ang maralitang si Juan.Ito ang prayoridad sa programa ng bagong nombrang Kalihim ng DSWD na si Sec.Rex Gatchalian.
Siya ang pinagkatiwaan ni PBBM na maglingkod sa sektor ng masang Pilipino na marami ay mga isang kahig ,isang tuka.
Sila iyong mga kapos ang kinikita kahit kayod-kalabaw ay pantawid na lang ng gutom ang kaya at wala nang sobra para sa bubuong na sisilungan,ipagpapagamot pag may karamdaman ,walang kakayahang iselebra anumang okasyon at di kayang magpaaral ng mga supling.
Lalo na iyong mga naapektuhan ng kalamidad kung saan ay walang mahirap at walang mayaman kapag sinalanta ng lupit ng kalikasan maging ng mga man-made calamity.
Diyan mabigat na nakapasan sa balikat ng DSWD na kailangang kayanin ni Sec.Gatchalian habang si Apo Bongbong ang nasa poder ng kapangyarihan.
Ilang mga DSWD heads na ang nagdaan pero bigo sila sa aspeto ng paglilingkod lalo na sa pobreng Pinoy na nawawalan ng dignidad sa pag-amot ng tulong sa kagawaran.
Maralita na nga pinapahirapan pa.Sila iyon mga dukhang matatanda na,mga may kapansanan,buntis at mga may karamdaman na pinapipila pa magmula madaling araw hanggang cutoff time na dumaranas madalas ng maltrato sa mga aroganteng bantay sa pila at mahahabang mukha ng mga kawaning tagaproseso ng mga papel ng mga nakapilang walang jingle at pagkain makarating lang sa taga-release ng tulong pinansyal na kulang pang katapat sa dinanas na sakripisyo at puyat.Iyan ang nakalulunos na eksena noon sa DSWD at iba pang ahensya ng pamahalaan na ang toka ay paglingkuran ang bayan.
‘Di kilalang personal ng korner na ito si Sec. GATCHALIAN. Ang alam natin ay isinilang siya na may gintong kubyertos at hindi nya alam at danas ang hikahos sa buhay.
Angkan siya ng political kingpin sa hilagang Metro Manila.
Kung dati ay kalinga niya lang ang mga pobre sa kanyang lungsod,ngayon ay nationwide na ang kanyang lingkod.
Sinsero siyang kakalingain nang may dignidad ang mahihirap. Tunay at di PLASTIK si Gatchalian…ABANGAN!
Lowcut- Matapos ang matagumpay na pagdaraos ng ating noble project na Gilas BBM( Batang Bibo Maglaro at Batang Bibo Magdrowing) na inorganisa ng inyong lingkod sa ating balwarte sa Tarlac ay ilulunsad na ito na isang nationwide advocacy.Ito ay may temang Gilas BBMSports and Arts Clinics free for kids.
Sa tulong at suporta ng ating nga kaisport ay makatutuklas tayo ng mga potensyal na atleta at alagad ng sining na mga bata na magiging livelihood nila sa hinaharap.Ngayon pa lang ay pinasasalamatan na ng korner na ito ang ating mga taga-suporta sa noble project ng inyong lIngkod… MABUHAY!