Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
DAHIL maraming kumakalat na mga balita sa social media, minsan hindi na rin ma-discern ng netizens kung ano ang kanilang paniniwalaan.
Isa na sa lumalaganap na tsika ay ang tungkol umano sa pakikipaghiwalay ni Jinky Pacquiao sa mister na si Manny Pacquiao.
May ilan pang nag-imbento ng balitang diumanoý nabuntis daw si Jinky ng ibang lalake kaya naman ‘on the rocks’ na ang marriage ng mag-asawa.
Dahil dito, to the rescue ang kaibigan ng mga Pacquiao na si Annabelle Rama na kilala sa kanyang pagiging prangka at palaban sa pagdepensa sa mag-asawa.
Kaya naman sa kanyang Meta account, hinamon niya ang mga ‘marites’ na nagpapakalat ng mga maling kuwento tungkol sa estado ng relasyon nina Manny at Jinkee.
Caption niya: “SA LAHAT NG MARITES, TIGILAN NYO NA ANG PAG IMBENTO NG KWENTO TUNGKOL KAY JINKY NA MAG FILE NG ANNULMENT, AT KAWAWA NAMAN DAHIL BUNTIS. I JUST WANT TO CLARIFY SA LAHAT NG NAG TXT AT TAWAG SA AKIN KUNG TOTOO ANG CHISMIS, NO IT’s A FAKE NEWS. UNANG UNA, SA NAKIKITA KO IMPOSIBLENG MAG HIWALAY ANG MAG ASAWA DAHIL SA NAKIKITA KO ANG SWEET NILA AND HAPPY FAMILY. BUSY SI JINKY SA 3HECTARS MANSION NA PINAPAGAWA NI MANNY PARA SA DREAM HOUSE NILANG MAG ASAWA AT MALAPIT NA ITONG MATAPOS. KAYA YUNG MGA MARITES, TIGILAN NYO NA. ALAM KO KUNG SINO ANG GUMAGAWA NG CHISMIS MAMATAY KA SA INGGIT.”
Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang kanyang post sa iba’t ibang netizens.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Baka nagsumbong si Jinky sa kanya. Pero duhh now ko lng narinig or technically nabasa yang chikaness na yarn. Haha”
“Kung ako din naman si jinky hindi ko hihiwalayan si manny. Aba gamitin ko na utak ko.”
“Imposibleng hiwalayan ni jinky si Manny mawawalan sya ng pang shopping.”
“Buntis ba talaga?!”
“Wow 3 hectares mansion… Paano kaya sila magkikita kita hahahah”
“Why not? Afford naman nila, may time naman sila, mukhang healthy pa naman si Jinkee. Si Janet Jackson nga nanganak pa at 50 eh!